Gunman sa Ilocos Sur, huli sa lungga sa Apayao

LA TRINIDAD, BENGUET – Isang hinihinalang bayarang mamamatay-tao sa Ilocos Sur ang nahuli sa kanyang lungga sa bayan ng Flora, Apayao.
Si Ruel Teves Magbulos, 47, diumano ay miyembro ng Igne-Rosete gun-for-hire group at 3rd most wanted criminal ng Ilocos Sur, ay nahuli dakong 4:30 ng madaling araw noong Abril 3 ng Flora police, Apayao police intelligence agents, CIDG-Ilocos Sur, Sinait police at Ilocos Sur police intelligence agents sa barangay Malubibit Norte, Flora, Apayao.
Si Magbulos ay tinutugis sa utos ni Regional Court Judge Raphiel Alzate ng Cabugao, Ilocos Sur dahil sa mga kaso sa droga at paglabag sa Comelec rules kaugnay ng pagdadala ng baril noong nakaraang eleksyon.
Isang caliber 45 Colt pistol na may serial no. 8873769 at may lamang pitong bala ang nakuha mula sa suspek. Ace Alegre

Amianan Balita Ngayon