Guro sa Nueva Vizcaya, patay sa drug buy-bust

PATAY ang isang guro ng high school, na ayon sa mga awtoridad ay isang kilalang pusher, nang sinubukan nitong labanan ang mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency at lokal na pulisya sa Nueva Vizcaya.
Kinilala ang guro na si Rogelio Andres, na ayon sa mga awtoridad ay nasa listahan ng drug watch personality. Nang mapansin diumano ni Andres na isang undercover agent ang kaniyang kaharap sa isang drug deal, inilabas nito ang kaniyang baril at binaril ang operatiba ngunit hindi tinamaan. Naganap ang buy-bust operation sa Purok 5, Barangay Curifang, bayan ng Solano noong Hunyo 29.
Dinala ang suspek sa malapit na ospital ngunit hindi na ito nakaabot nang buhay.
Isang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P500 ang nasamsam sa guro, kasama ang isang mobile phone, itim na motorsiklo at isang .38 caliber revoler na ginamit nito sa pamamaril. ACE ALEGRE / ABN

Amianan Balita Ngayon