BAGUIO CITY
Nagbabala ang Department of Transportation-Cordillera at Baguio City Police sa mga motorsiklo na nag-aalok ng ride o’ ang tinatawag na ‘Habalhabal’, ay mahigpit na ipinagbabawal sa siyudad ng Baguio. Ayon kay DOTr Regional
Director Atty. Joshua Pablito, na-trace na nila ang social media application na ginagamit ng mga nag-aalok ng mga serbisyo ng motorcycle taxi sa lungsod at ibinahagi na nila sa BCPO para sa imbestigasyon at pag-aresto sa mga sangkot sa operasyon ng iligal na transport services.
Pinayuhan niya ang mga residente at bisita na huwag tumangkilik sa operasyon ng mga motorcycle taxi sa lungsod, dahil hindi ito saklaw ng kinakailangang insurance upang masakop ang anumang pinsala o pinsalang maidudulot ng aksidente. Dagdag pa, iginiit ni Pablitobna hindi maaaring magclaim ang mga pasahero ng danyos sa insurance company dahil sa iligal ang kanilang ang operasyon sa lungsod. Ang mga mga motorcycle taxi o’ habal-habal ay makikitang nakatambay sa matataong lugar sa gabi, lalo na sa bus terminal at nag-aalok ng ride sa mga single na pasahero.
Ayon naman kay Engr. Elmer Mendoza, ng public transport modernization focal person ng Cordillera office ng Land
Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB-CAR), na ang inaprubahan para sa pilot testing ng operasyon ng mga motorcycle taxi ay sa Metro Manila, Cebu at Cagayan de Oro lamang at ang Baguio City ay hindi kasama sa nasabing pilot test. Nanawagan si Mendoza sa riding public na maging mapagmatyag sa pagtangkilik sa operasyon ng mga motorcycle taxi sa lungsod upang maiwasan ang kanilang sarili na malantad sa mga mapanganib na sitwasyon sa hinaharap.
Zaldy Comanda/ABN
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024