“Habang may Tatsulok”

Opinion

Nananatiling buhay ang mensahe ng kantang “Tatsulok” na original na nilikha ni Rom Dongeto noong 1989 at unang kinanta noong 1991 “Buklod” kasama sina Noel Cabangon at Rene Boncocan. Pinasikat na lamang nito ni Bamboo noong 2007.

Ang inspirasyon ng kanta’y ang noo’y nagaganap na “Total War Policy” ng gobyerno sa ilalim ng pangunguna ng tinaguriang “Dilaw”.

Kanyat tampok sa kanta’y: “habang may tatsulok, at sila ang nasa tuktok, hindi matatapos itong gulo”. Sa inaabangang proklamasyon ng bagong Pangulong BBM at Pangalawang Pangulong Sara, matingkad ang pangarap ng bawat Pilipino, bumoto man sa tandem o hindi, ang pagkamit ng kapayapaan sa ating bayan.

Sa inilalatag ng bagong administrasyong pagbangon, sana’y nakaangkla ito sa tuwirang pagbuwag ng tatsulok sa ating lipunan. Dahil, hangga’t may pang-aapi at hangga’t may pagsasamantala, mananatiling ang lipunang Pilipino’y hahamakin ng gulo mula sa mga gutom, pinagsasamantalahan at inaapi.

“Hindi pula’t, dilaw ang tunay na magkalaban, ang kulay at tatak ang di syang dahilan,” ika nga ng “Tatsulok”. Kanya’t hamon uli sa papasok na administrasyong BBM at Sara, gaya ng hamon sa mga nakaraang administrasyon at mga ama nilang parehas naging mga Pangulo ng bansa na baliktarin ang “tatsulok” upang matapos na ang gulo.