HALINA AT HARANA

ILANG ARAW na lamang at Buwan na ng Pagmamahal. Kaya naman, ngayon palang, hitik na sa mga plano ang mga magsing-irog – syempre ang mga mag-asawang hindi kinupasan ng panahon, ang mga magkasintahang hindi napaghihiwalay ng mga simpleng di-pagkakaunawaan, at maging sila na nasa panahon pa rin ng ligawan. Ukol sa kanila ang pagdiriwang tanging sa Pentecost lamang nabibigyang init, nasasabugan ng alab, at nadadampian ng
kahit hibla ng tampuhan.

Anu-ano nga ba ang mga paghahanda upang karapat-dapat ang pagmamahal? Kadalasan, mabunying rosas na nagpapahayag ng busilak na pag-ibig, pinagsaluhan man o hindi. Nandyan di ang tsikolateng pagsasaluhan sa nag-iisang platito at tinidor. Ang iba naman ay anumang makakayang bilhin ng salapi na ilang araw at linggo ring pinag-ipunan.

Amianan Balita Ngayon