Happy Birthday ABN

Opinion

Sa ikaapat na araw ng ipagdiwang ang Charter Day ng Baguio City tuwing Setyembre 1, ay bumusilak ang pahayagang Amianan Balita Ngayon noong Setyembre 4,2011, na ngayon ay isang dekada na ang edad.

Sa kabila ng mga pagsubok, intriga na ang pahayagang ito ay pangpulitika lamang, ngayon ay hindi na matatawaran ang katatagan nito na mapanatili ang hangarin ng malayang pamamahayag para sa bayan.

Hindi nagpatinag ang publisher/editor in chief na si Thom Picana sa mga intrigang ito, sa halip ay ibinangon niya ito na mapanatiling matatag hanggang sa abot ng kanyang kakayahan.

Hindi rin nagpadaig ang ABN sa patuloy nating nararanasang pandemya, na marami na ring national at local paper sa bansa ang nagsara. Ang isang dekadang ito ay muling paghamon na maipagpatuloy pa ang serbisyo-publiko mula sa paghahatid ng makatotohanang balita.

Mabuhay ang Amianan Balita Ngayon. Konting silip sa BENECO Marami ang nagtataka kung bakit hindi matanggap ng ilang empleyado ng BENECO ang pagtatalaga ng National Electrification Administration para sa bagong General Manager ng BENECO.

Dumaan sa matindig proseso at labanan sa korte para maisulong ng NEA ang kanilang indorso sa pagtatalaga ng bagong General Manager, pero nagawa pang mag-protesta at harangin ang pagtatalaga sa bagong GM.

Si Atty. Marie Rafael Banaag, dating Mayor ng Natonin, Mt. Province, isang Igorota,tubong Cordillera, walang mabahong record, hindi CORRUPT, ay prinoprotesta na ayaw nilang maging GM. Bakit kaya? Taongbayan na ang bahalang sumagot.

“To God be all the glory” ika nga, dahil maraming naniniwala na malinis ang hangarin ni Banaag na maging GM ng Beneco. May mga tutol,lalo na sa loob mismo ng BENECO, pero mas marami naman ang sumasang-ayon.

Sa nakikita ko, Puntirya ni Atty.Banaag na ma-improve pa ng husto ang serbisyo ng Beneco sa mga consumers at maitaguyod ang karapatan ng bawat miyembro ng kooperatiba.

Sana naman sa mga nagproprotesta, puwede nyo namang ituloy sa mapayapang pamamaraan na hindi maapektuhan ang daloy ng operasyon at serbisyo ng Beneco sa mga consumers, dahil sa nangyari noong Biyernes (Agosto 27), marami ang nagrereklamong consumers sa biglang pagsasara ng Beneco.

Umaasa ang taongbayan na ang sigalot sa Beneco ay maibsan at magkaisa para sa kapakanan ng kooperatiba. Irespeto natin ang desisyon at huwag itong gawing pulitika.

Ang ABN, ang inyong lingkod at buong media community ay labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng aming kasamahang si Ernie Olson, Jr..noong Agosto 25. Nakikiramay po kami sa buong pamilya. Rest in Peace Brother Ernie.