Health personnel na may sintomas prayoridad sa Covid scan analyzer

LUNGSOD NG BAGUIO – Isang bagong teknolohiya na kayang mag-detect ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang gagamitin sa Baguio General Hospital Medical Center (BGHMC).
Ang Artificial Intelligence (AI) Covid-19 Scan Analyzer na isang bagong teknolohiya na ginawa ng Huawei isang malaking telecommunication company ay unang susubukan sa mga health personnel na kinakikitaan ng mga sintomas ng Covid-19.
Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong noong Lunes na ang initial tests gamit ang AI Covid19 Scan Analyzer ay maaaring makita ang resulta sa loob ng dalawang minute at maiibsan ang mga pasyente at health workers sa bigat ng paghihintay ng ilang araw sa paglabas ng mga resulta.
Mabibigyan sila nito ng oras sa sumailalim sa quarantine at medikasyon, aniya.
“I am not saying that test results of this technology are confirmatory because they are not but it is said to have 98 [percent] accuracy so at least we can have a heads-up on whether a particular patient is a presumptive case or not,” ani Magalong.
Sinabi niya na makakatulong ang makina dahil ang mga kaso na hindi naman kailangang i-confine ay makakauwi at upang hindi makadagdag sikip sa mga ospital o quarantine facilities dahil sa limitadong mga silid.
Sinabi ni Philip Puzon, head ng Management Information and Technical Division (MITD) ng lungsod na nakipagtulungan sa Huawei-EVI support team at mga doctor ng Baguio sa pagtatatag ng programa na masuwerte ang Baguio na kauna-unahang tumanggap ng teknolohiya.
“The technology works in that its server is connected to the AI Cloud of Huawei which scans Philippine test results and compares them to the repository of results then tells the doctor if the case is highly probable in terms of percentage of diagnosis. However, in the end, it is still the doctor who will decide on the diagnosis,” ani Puzon.
Naitala ng Baguio ang unang kaso ng Covid-19 noong Marso 23 – nang isang 61 taong gulang na Filipino overseas worker mula Italy ang nagpositibo habang ang ilan ay inaakalang positibo at naghihintay ng resulta.
Bagaman limitado ang diagnostic capability ng programa ng Huawei, kaya pa rin nito sabihin ang probable cases, ani Puzon.
Inaasahang maging operational ang teknolohiya sa linggong ito. Samantala, inaayos na ng pamahalaang lungsod ang pagbili ng personal protective equipments (PPE) upang tugunan ang pangangailangan ng mga hospital workers at siguruhin na protektado sila habang inaalagaan ang mga pasyente ng Covid.
Sinabi ni City Administrator Bonifacio dela Pena na binabaha ang lungsod ng mga kahilingan para sa face masks, gloves at iba pa mula sa mga pampubliko at pribadong ospital.
Sinabi ni Magalong na umorder na sila ng 500,000 masks; 300 forehead thermomneters at 15,000 gowns at booties subalit nahihirapan sila sa pagbili dahil sa limitadong suplay.
Nitong nakaraang linggo ay nagbigay ang lungsod ng dalawang kahon ng 3M face masks sa Triage and Radiology Office ng BGHMC at isang kahon sa Saint Louis Hospital of the Sacred Heart.
Nag-donate din ang Filipino-Chinese community ng 2,500 piraso ng masks na nasa 15,000 kabuuan ang donasyon nila na naibigay lahat sa mga ospital. (PL-PNA/PMCJr.-ABN) inform their travel. Additionally, private vehicles that will bring passengers to the airports will be allowed to go back to Baguio City but advised to call the COVID hotlines for registration purposes.
All movements done must be coordinated and inform any of the following COVID Hotlines: (074) 442-1900/ (074) 442-1905/ (074) 661-1455 Globe: 09276280798 Smart: 09996784335.
PR
 

Amianan Balita Ngayon