Hepe ng CEPMO itinanggi ang bali-balitang dumalo si Zamora sa kasal sa Burnham

LUNGSOD NG BAGUIO – Niliwanag ni City environment parks and management office (CEPMO) head Atty. Rhenan Diwas ang mga balita sa social media na ang layunin ni San Juan, Metro Manila Mayor Francis Zamora sa pagbisita sa Baguio kamakailan ay upang dumalo sa isang kasal sa Burnham Park na hindi totoo.
Itinanggi rin niya na mga empleyado ng CEPMO ang responsable sa paghahanda sa lugar ng kasal, na bali-balita sa social media.
Inihayag ni Diwas na isang lokal na judge ang humiling ng permiso kung ang isang sibil na kasal na pamumunuan niya ay maaaring gawin sa Hunyo 5 sa Burnham Park dahil ayaw daw niyang ganapin ang seremonya sa kaniyang courtroom.
Sinabi ng hepe ng CEPMO na mahigpit na sinunod ng mga ikakasal ang umiiral na health protocols at nilimitahan ang seremonya sa hindi lalagpas sa 10 tao na binubuo ng malalapit na pamilya at mga saksi, lahat mula sa Baguio.
“I don’t know if Mayor Zamora had any participation in the ceremony. My office did not approve any wedding activity at Burnham Park for Saturday or Sunday (June 6 and 7),” ani Diwas.
Kasalukuyang binabatikos si Zamora at grupo niya lalo na sa social media dahil sa umano’y pagwalangbahala sa isang border patrol checkpoint sa Kennon Road bandang 2:30 ng hapon noong Hunyo 5 at agad dumiretso sa Baguio Country Club.
Dahil dito ay humingi siyang paumanhin kay Mayor Benjamin Magalong at sa mamamayan ng Baguio dahil sa kaniyang naging aksiyon.
Sa isang pahayag ni Mayor Magalong ay idiniin niya ang posisyon sa polisiya ng pamahalaang lungsod na “no one, regardless of rank and position, is exempted from the established and long-held health and safety protocols when entering the city.”
”I reiterate this as an uncompromising measure for everyone, whether public or private status, to comply with the city’s border control checkpoints upon entry in Baguio boundaries, to ensure that no one is put to undue health risk while in the city,” pahayag ni Magalong.
GBK-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon