HEPE NG DPWH-BAGUIO INABSUWELTO NG COA SA PARATANG NA KATIWALIAN

LUNGSOD NG BAGUIO

Inabsuwelto  ng Commission on Audit (COA) ang hepe ng Department of Public Works and Highways (DPWH)- Baguio City District Engineering Office (BCDEO) na si Engr. Rene Zarate sa mga paratang ng mga iregularidad sa isang road improvement project sa Bonifacio Road, na isang
tertiary road sa kahabaan ng Central Business District sa lungsod na ito.

Maaalalang Disyembre ng nakaraang taon ay nagreklamo si Mayor Benjamin Magalong ng Baguio City ng mga iregularidad sa nasabing road improvement project at hiniling sa opisina ng Ombudsman na imbestigahan si Zarate sa pandaraya at katiwalian (graft and corruption). Sinagot ng DPWH-Baguio City ang mga paratang sa COA Cordillera at isang pagsisiyasat na pinangunahan ng Regional Technical Service Group ng Audit department ang isinagawa upang tingnan ang mga alegasyon ni Magalong.

Sinabi ni COA Cordillera auditor Sherilyn Racquel Lamen, na siyang nanguna sa grupo na nagsiyasat sa proyekto na sa ulat ng Enero 18, 2023, ipinakita na 100 porsiyento nang tapos at ang halaga ng kontrata ay “makatuwiran.” Bagaman tinukoy ni Lamen na may iba’t-ibang kakulangan sa ginawang trabaho gaya ng hindi-natapos ng pag-alis at paglipat ng mga poste ng elektrisidad, di-natapos na ibabaw sa kahabaan ng mga bahagi ng sidewalk, hindi pagsunod o probisyon ng karagdagang mga grill sa manhole rainwater inlets, hindi paglalaan o pagkatapos ng paglalagay ng concrete paving blocks sa mga driveway na may nahagyang gradient, sirang alulod at mga halang sa gilid na hindi maayos na namulyihan.

“Gayunpaman, ang mga kakaulangan na ito ay agarang kinumpleto at inayos ng kontraktor.” Bagama’t binanggit ni Lamen sa parehong ulat ngoong Enero 18, 2023 ang isang pagkaantala ng 70 araw, “the liquidated damages of P36, 374.10 was withheld from the final payment of the contract.”
”No  serious  defects  were found at the time of their inspection,”  the  government auditor noted though reminding the contractor to assume responsibility for structural defects that will arise during the warranty period pursuant to the government procurement law (RA 9184).

Sa ikalawang reklamo ni Magalong sa Ombudsman, sinabi niya na ang PhP88,099,659.56 road bridge mula Parapad Village, North Sanitary Camp Barangay papunta sa Magsaysay Avenue na tinawag na “Network Development – Construction of By-pass and Diversion Roads: Magsaysay Ave. to Rimando Road – Ambiong By-pass, Including Bridge and Row, Baguio City” ay umaalingasaw ng mas mababa sa nominal na pagkagawa at korapsiyon.

Ang nasabing road bridge project na ipinagkaloob sa joingt venture ng Tango Romeo General Construction at MG Lualhati Construction Corporation na pawang komendado at kilala sa kalidad na natapos na mga proyekto sa buong bansa ay binigyan ng isang notice to proceed noong Abril 29, 2018 at natapos noong Agosto 21, 2019. Gayundin naman, sinabi ni Engr. Zarate na naglabas ang
COA-CAR ng isang clearance at sa konklusyon ay sinabing 100 porsiyentong tapos at naaayon sa plans and specifications.

Ang kaparehong mga resulta ay nakita ng Quality Assurance Unit of the DPWH-Central Office, na ayon sa mga opisyal ng DPWH ay, “may awtoridad na magsagawa ng assessment sa kalidad ng konstruksiyon at pagsunod sa mga plano at espesipikasyon ng mga kasalukuyan at natapos ng mga proyekto ng DPWH.” Nangako si Zarate na determinado siya sa kaniyang sinumpaan sa pagpapatupad ng trabaho ng DPWH bilang kamay ng imprastruktura ng gobyerno sa pagbibigay ng de-kalidad at ligtas na pampublikong imprastruktura na mga pasilidad sa lungsod ng Baguio.

Nitong nakaraang linggo ay muling nanawagan si Mayor Magalong sa central office ng DPWH sa ilalim ni Secretary Manuel Bonoan na tingnan ang kalidad ng mga proyektong imprastruktura sa lungsod ng Baguio na sinabi niyang patuloy na mahinang klase.

(PMCJr.-ABN)

 

Amianan Balita Ngayon