High ranking official ng NPA sumuko

CAMP MELCHOR DELA CRUZ, Isabela – Isang mataas na opisyal ng New People’s Army ang boluntaryong sumuko sa Armed Forces of the Philippines (AFP) and Philippine National Police (PNP), noong Setyembre 10 sa bayan ng Bontoc, Mt.Province.
Nabatid kay Brigadier General Laurence Mina, commanding officer ng 51st Division ng Philippine Army, ang sumuko kinilala sa pangalang alyas Digbay, 1st deputy secretary of the Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC) CPP-NPA.
Ayon kay Mina, ang masigasig na negosasyon na isinasagawa ng mgakakasanib na tauhan ng military at pulisya na nagsimula pa noong Marso 2019 sa layunin ng pamahalaan na kapayapaan at pagtulong sa mga rebelde para sa kanilang pagbabagog-buhay.
Aniya ang pagsuko ni Ka Digbay ay issang maituturing significant achievement at nagpapatunay na seryoso ang gobyerno na maipatupad ang mga pangako para sa mga rebel returnee.
“This brave act of a top ICRC leader is a welcome development and an encouragement to the remaining NPAs to lay down their arm and live in genuine peace. If a top cadre gave up with the organization that he thought could bring social justice and equality for all then why others could not? And so, I enjoin the deceived NPAs to follow and choose to live in the right path,” pahayag pa ni Mina.
Kamakailan lamang ay tatlong rebelde na kinabibilangan ng medical at finance officer ang boluntaryong sumuko sa Police Regional Office-Cordillera.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon