HINDI KA DAPAT MAGDALAMHATI SA MGA BAGAY NA WALANG HALAGA!!!

Sa pamamagitan ng kawalan ng pakialam sa maliliit na bagay , ikaw ay nagpakita ng isang pag-uugali na maghahatid sa iyo ng kaligayahan , sapagkat ang isa na mataas sa kanyang mga hangarin ay abalang-abala lamang sa kasapitan sa kabilang buhay . Ang isa sa mga banal na ating sinundan (henerasyon) ay nagpayo sa isa sa mga kapatid maging abala lamang tungkol dito, tungkol sa pakikipagtipan kay Allah, sa pagtindig sa kanyang harapan sa kabilang buhay { sa araw na yaon , kayo ay ihaharap sa pagsusulit at walang anumang lihim ang inyong maikukubli } qur’an 69:18 That Day, you will be exhibited [for judgement]; not hidden among you is anything concealed.

Walang isa mang pagkabalisa o pag-aala-ala o katuturan nito ay hindi nababawasan kung ito ay ihahambing sa pag- aala ala sa kabilang buhay , ano ang mga pagkabalisa ng buhay na ito ? Ito ang estado ( katayuan ) karangalan , katanyagan , kita ng pangkabuhayan , kayamanan , mga malalawak na tahanan , at mga anak . Ang lahat ng mga ito ay walang HALAGA kung ihahambing sa pagsusulit sa harapan ni allah .Si Allah ay naglarawan sa kanyang mga kaaway , ang mga mapagkunwari sa pagsabi , ( habang ang isang pangkat naman ay natitigatig sa kanilang sarili sa pagkabalisa , na ginigiyagis ng kanilang maling hinala kay Allah na salat sa katotohanan ) quran 3:154 .

Ang kanilang pinagkaka abalahan ay para sa kanilang sarili , ang kanilang sikmura , at kanilang pagnanasa , wala silang alam na mas mataas na mga mithiin . Nang ang mga tao ay mangako ng kanilang katapatan sa PROPETA muhammad sumakanya nawa ang kapayapaan , sa ilalim ng punong kahoy , ang isa sa mapagkunwari ay dalidaling lumisan upang hanaping ang kanyang pulang kamelyo na napaligaw at siya ay nagsabi … ( para sa akin ay ang hanapin ang aking kamelyo ay higit kong nagugustohan kaysa ang seremonya ng pangako ng katapatan . At dahil sa kaugnayan ng ganitong pangyayari, ang sumusunod ay isinalaysay sa isang hadith .

( lahat kayo ay pinatawad na , maliban sa nagmamay-ari ng pulang kamelyo ) Ang mga ganitong pag aalala o pinagkakaabalahan ay mga maliliit na bagay o walang kuwenta na ang sinuman ay hindi marapat na mabahala maliban lamang sa kanila na ang kanilang sarili ay walang kuwenta at walang halaga , kung tungkol naman sa mariringal na mga kasamahan ng ( propeta ), sila ang nagnais ng mga kagandahang loob ni Allah at sila ay nagmithi sa kanyang pagkaluhod …

TATSULOK NG TRIANGGULO

Amianan Balita Ngayon