Hindi masamang manghingi ng ayuda, basta para sa bayan-Yap

LA TRINIDAD, Benguet – “Humihingi ako ng  ayud, proyekto at kung anu-ano pa sa nasyunal para sa Benguet, dahil anong silbi ko bilang caretaker kung uupo lang ako at walang gagawin,” ito ang naging pahayag ni Benguet Caretaker Congressman Eric Yap, nang makapanayam ng ABN.
Ayon kay Yap, maraming siyang intrigang naririnig na hindi daw marunong manghingi sa nasyunal para sa mga development ng Benguet.” Kung hindi ako manghihingi, anong development ang matatamasa ng Benguet at anong silbi ko kung uupo na lang ako.”
Si Yap, kasama si Gov. Melchor Diclas ay pinangunahan ang blessings at turn-over ng bagong Modified Isolation Facility sa Sitio Malasin,Barangay Ucab, Itogon, Benguet.
Bagama’t inamin na hindi niya derektang project o’ponto ang pagpapagawa ng bagong pasilidad, ay malaki ang naging ambag nito para ihingi sa Department of Health na tayuan ng sariling isolation facility ang bayan ng Itogon.
“Wala akong pakialam sa mga intrigana hindi koi to proyekto, pero gusto ko lang malaman nila nila bilang komite on Approriation sa Kongreso ay inilapit ko ang proyektong ito sa DOH.
Isa ito sa mga hinihingi ko sa nasyunal para progreso ng lalawigan at sa kapakanan ng mga mamamayan.”
Ayon kay Yap, kailangan ng bawat bayan na magkaroon ng karagdagang Isolation Faciltiy at ito ay hihingin niya sa DOH at DPWH para sa pangangailangan ng bawat Covid patient.
“Humingi na rin ako ng tulong sa AITF at nangako si Chief Implementer and Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., nadagdagan nito ang mga vaccine upang mabilis na ma-vaccine ang mga mamamayan sa Benguet makapaghanapbuhay at maibalik ang ekonomiya.” wika pa ni Yap.
Aniya, hindi naman masamang humigi ng budget sa nasyunal, dahil ito ay para sa bayan. Hinalimbawa nito ang TUPAD, na kahit maliit ay malaking tulong sa mga benifiaries ngayon panahon ng pandemya.
“Inihingi ko din ito sa DOLE para mabigyan ng ayuda ang mga taong nawalan ng trabaho sa bawat bayan, kabilang na dito ang mga farmers at minero.”
Sinabi pa ni Yap na asahan ng mga mamamayan ng Benguet na katuwang niya si Gov. Diclas na maibangon ang eknomiyang lalawigan, ngayong nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Benguet.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon