Hindi sa anupaman, kailangang ituloy ang isang mabuting programa para sa kapayapaan

Matapos ang unang pahayag ng Senate Finance Committee na pinamumunuan ni Senator Sonny Angara noong unang bahagi ng Nobyembre na tinapyasan nila ng malaki ang budget ng NTF-ELCAC sa 2022 nula sa orihinal na hinihingi na PhP28-B ay ibinaba ito sa PhP4 bilyon lamang, ngayon ay tila naliwanagan ang ilang mambabatas at itinaas ito sa PhP10 bilyon ayon sa pinakahuling pangyayari sa Senado.
Noong Nobyembre, sa kasagsagan ng deliberasyon ng bi-cameral committee ng Senado at Kamara ay ihiniit ng ilang mambabatas lalo na ang mga hindi pabor sa pagkakabuo ng NTFELCAC na bawasan ng malaki ang hinhinging budget nito at ang ilan ay ipinanukala pa na hindi na bigyan ito ni isang singkong budget.
Dahil dito ay nagbanta at nangako ang ilang governor at mayor na susugod sila sa Senado upang magprotesta sa aksiyon ng mga senador na tapyasan ng napakalaki ang 2022 budget sa Barangay Development Program para New People’s Army (NPA)-cleared barangays ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Nauna dito ay nagpasa ang League of Provinces of the Philippines (LPP) ng resolution no. 2021-009 na sumusuporta sa anti-insurgency program ni Pangulong Duterte at hinhimok ang Senado na aprubahan sa kabuuan ang SBDP sa 2022 General Appropriations Bill.
Kaugnay nito ay hayagang ipinahayag ni Mayor Gabino Ganggangan ang kaniyang pagkadismaya sa mga mambabatas na sumuporta sa pagtapyas ng 2022 budget ng Barangay Development Program (BDP) sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sinabi niya na ang mga kumokontra sa pagpondo sa DBP ay gustonh manatiling hindi umunlad at mahirap ang mga liblib na barangay, kaya hinihikayat nila na magrecruit pa ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Napakasaklap dawn a mayroon tayong mga senador at party-list members ng Kongreso na gusting harangin ang budget, lalo na ng Barangay Development Program dahil nais lang panatilihin ang paghihirap ng mga barangay na ito na kinaligtaan sa loob ng maraming dekada.
Dapat daw na magbunyi namayroong isang programa na “maaaring maabot, maaaring mahatiran ng mahalagang mgas erbisyo sa mga matagal-nang-kinaligtaan na mga barangay”.
Malungkot isipin na may mga tao gaya ng mga mambabatas na ito na humaharang at ninanais na pagkaitan ang mga tao ng oportunidad. Sa diwa ayon kay Mayor Ganggangan, ang pagkait ng pagpopondo para sa DBP ay parang pagtulong na sa CPP-NPA-NDF.
Ayon naman kay Senator Angara, ang pagtapyas ng malaki sa budget ng NTF-ELCAC ay dahil hindi pa nakakapagbigay ng kaukulang kumpletong accomplishment report ang NTFELCAC, subalit nito lamang ay naisumite na ang naturang accomplishment report.
Dahil dito ay nakumbinsi na si Angara na ang budget ng NTF-ELCAC lalo na ang flagship program na BDP ay mabigyan ng mas mataas na budget, gayundin ay karamaihan sa mga senador ay mayroon na ngayong mas malaking larawan kung gaano kahalaga ang mga proyekto para sa mga liblib na lugar.
Nagpahiwatig ang mga LGU na kung itutuloy ang pagtapyas ng malaki sa budget ng NTFELCAC o maging ang panukalang bigyan ng zero budget ito ay mawawalan ng mga boto ang mga mambabatas na kontra sa budget sa kani-kanilang lugar.
Karamihan ng mga mambabatas ngayon ay muling tumatakbo sa darating na halalan sa 2022. Hindi maikakaila ang impluwensiya at puwersa ng mga lokal na lider sa paghikayat ng mga botante para sa pambansang posisyon.
Ito kaya ang nakapagpabago sa mga tindig ng mga mambabatas? Hindi na marahil mahalaga kung ano ang dahilan ng biglang pagpihit ng paninindigan ng ilang mga mambabatas ukol sa pinag-uusapang pagtapyas ng budget. Ang mahalaga ay maibigay ang dapat na ikabubuti ng mga mamamayan lalo na sa mga napagkaitan ng malalayong barangay, mapalaya sila ng tuluyan sa mga banta ng panggigipit ng mga tinatawag na kalaban ng gobyerno at magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan at pag-unlad.
Kung tunay na ninanais natin ang kapayapaan sa buong bansa ay dapat lamang na suportahan ang mga programang alam natin at nakikita nating nagtatagumpay sa layunin.
Subalit sa kabilang banda, sakali man mayroong pagkakamali sa pagpapatupad nito ay kailangang may managot na hindi naman isinasaalang-alang ang kabutihan ng proyekto.

Amianan Balita Ngayon