HIV Awareness, advocacy ng 2019 Ginoong Pilipinas Baguio at Benguet search

LA TRINIDAD, Benguet – Isang magandang panimula ang isinagawang kauna-unahang Ginoong Pilipinas Baguio and Benguet 2019 noong Abril 28 sa Benguet State University (BSU) sa bayang ito.
Ang patimpalak ay inorganisa nina Michael Angelo T. Cayas at John Raspado. Ang HIV advocate na si Rosemarie Patchao ang naging guest speaker na nagsalita din tungkol sa kung papaano maiiwasan ang HIV.
Ang naging host naman noong gabing iyon ay si Dyanne Mae O. Rivera. Pinalalakas ng nasabing patimpalak ang adbokasiya at kamalayan tungkol sa sakit na HIV.
Layon din nito na maiwasan ang diskriminasyon ukol sa mga taong may taglay nito. Ang kauna-unahang nagwagi ng titulong Ginoong Pilipinas Benguet 2019 ay si Glenn Laoyan at ang kaunaunahang nagwagi ng titulong Ginoong Pilipinas Baguio 2019 ay si Novy Jones Aban.
Ang mga hurado ng pageant ay binuo nina Mr. Gay World 2017 John Raspado; Mr. Universe Tourism Philippines at Man of the Year 2018 Keanu Fernandez; Mr. Universe Tourism Philippines Grand Winner 2018 Kelvin Vicente; Baguio Sweetheart Luis Ibañez; Event Coordinator and Celebrity Stylist Vincent Espiritu; at Music and Theatre Enthusiast Franco Lopez.
 
Gabrielle Dominique F. Daludado, UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon