HIV cases sa Cordillera, patuloy na tumataas

Feb 16, 2018

LUNGSOD NG BAGUIO – Patuloy na tumataas ang bilang ng mga naitatalang kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa Cordillera.
Ito ay ayon sa tala ng Department of Health mula Enero hanggang Nobyembre 2017.
Ayon kay Cherrie Caluza, STI HIV/AIDS prevention and control program coordinator, tumataas pa rin ang bilang ng mga kaso ng HIV sa mga lalawigan ng Cordillera na Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province, at maging sa lungsod ng Baguio.
“Makikita talaga natin na pataas talaga ang trend ng HIV cases, hindi naman dahil madami talagang nagkakalat ng HIV/AIDS. Pwedeng dalawang face siya, either talagang madami na yung nada-diagnosed or madami na tayong capable na health facilities and health workers para mag-test sa population natin; either gumaganda yung health system natin to screen the population or talagang hindi natin nakokontrol yung HIV/AIDS.” Dagdag pa niya na maraming ginagawang programa para mapalaganap ang HIV awareness sa buong Cordillera.
Tumaas hanggang 2.10 percent ang prevalence ng HIV sa rehiyon. Mula Enero 2017 hanggang Nobyembre 2017 ay may naitalang 91 kaso sa Cordillera.
May kabuuang 389 kaso ng HIV sa Cordillera mula pa noong 1984 hanggang Nobyembre 2017.
Tumaas din ang bilang ng mga newly diagnosed HIV cases sa buong bansa na umabot na sa 31 cases per day na naitatala ng DOH kumpara sa 26 cases per day noong 2016.
Hinihikayat din ng DOH na laging gumamit ng condom sa pakikipagtalik at iwasan ang paggamit ng droga para maiwasan ang sakit na HIV. Ugaliin ding magpa-test sa mga ospital o malalapit na health units.
Ilang mga HIV Testing Centers na ang matatagpuan sa buong Cordillera. Mayroon na ring HIV treatment hubs na matatagpuan sa Baguio City (Baguio General Hospital & Medical Center) at sa mga karatig lalawigan kabilang ang La Union (Ilocos Training Regional Medical Center) at Tuguegarao (Cagayan Valley Medical Center). Nakahanda rin ang Regional HIV/AIDS Support Group ng DOH. ALLAN LEMUEL C. SUNGA, UB Intern

RELATED POSTS

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest