Home-made fertilizer

Community Billboard

Ipinakita sa mga residente ng Baccuit Sur ang tamang paggawa ng abono mula sa mga tuyong dahon, lupa at household leftover. Isang pamamaraan ito upang mabawasan ang pagtatapon ng basura sa dumpsite. Pinangunahan ito ng Pollution Control Association of the Philippines (PCAP) Region 1 Chapter na sina Jossie Dacanay, treasurer, at ng Board of Directors na sina Engr. Cesar Panelo at Engr. Jimmy Queliza sa ginanap na Information and Communication Campaign on Climate Change and Global Warming noong October 29,2018 sa Jessica Beach Resort, Baccuit Sur, Bauang, La Union na pag-aari ni Edita Macalma Blohm.