Hospital critical care utilization rate,patuloy ang pagbaba

BAGUIO CITY – Bumaba sa 29.72 porsiyento na lamang ang hospital critical care utilization rate kaugnay sa patuloy na pagbaba ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa nagdaang araw. Ipinahayag ni City Health Officer Dr. Rowena Galpo na dalawang ospital na lamang, ang State-run Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) and the Notre Dame de Chartres ang may naka confined na COVID patients, samantalang ang Baguio Medical Center, the Pines City Doctors Hospital at St. Louis University (SLU) Sacred heart Hospital ay zero occupancy na.
Mula sa 920 beds available sa iba’t-ibang isolation units sa lungsod, ay bumaba ito sa 402 kaugnay sa pagsasara ng ilang isolation centers para makasave sa gastusin sa maintainance and operations, na hindi naman nagagamit dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID.
Ayon kay Galpo, ang mga pansamantalang isinarang isolation units ay ang 417-bed Roxas at Romulo halls sa Baguio Teachers Camp at ang 101-bed Laurel Dorm 2 sa Bonifacio St. “Naka-antabay na lamang ang mga ito kung sakaling magkaroon ulit tayo ng COVID surge.”
Malaki ang pag-asa ni Galpo na patuloy ang pagbaba ng COVID cases, dahil na rin sa agresibong kampanya sa vaccination program ng city government at mahigpit na implementation ng health protocols sa mga border at sa siyudad.
Sa hulng talaan noong Disyembre 21, ay muling naitala sa lungsod ang zero cases, 7 recoveries,0 death at 0 barangay on lockdown samantalang 11 ative cases na lamang binabantayan ng mga health officials.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon