Sa wakas, nakauwi na sa bansa ang kababayan nating si Mary Jane Veloso matapos ang 14 na taong pagkabilanggo sa Indonesia dahil diumano sa kasong di naman daw niya ginawa. Isang napakapait na pangyayari sa buhay ng ating mga kadugo na nagsisikhay sa ibayong dagat upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Atin nga itong kaliskisan mga pards: Para sa ilang kababayan nating kamumulat lamang sa mainit na isyu kay Mary Jane
Veloso….maituturing na parang “himala” ang nangyari sa kanyang buhay.
Siya ay nakulong sa Indonesia dahil sa drug trafficking na ang parusa ayon sa Indonesian Court ay kamatayan. Sa pamamagitan ng legal na mga pamamaraang dinaanan ng kanyang mga apela (sa asiste ng kanyang depensa,
naibaba sa habambuhay na pagkabilanggo ang hatol. Sabagay, base sa ating nakalap na mga ebidensiya, maituturing
siyang “biktima” ng illegal recruitment at di dapat na maging “suspetsa”. Sa ngayon, makakapiling na niya ang
kanyang mga mahal sa buhay at tiyak na may “kulay” na ang kanilang “Pasko”.
Mananatili man siya sa loob ng selda ng Correctional Institute for Women batay sa kasunduan ng Indonesia at Pilipinas…may kakaibang “sinag” pa rin siyang masisilayan dahil nandito na siya sa kanyang bansang sinilangan. Bago pa lumapag ang eroplanong kanyang sinakya, may mga tuntuning na dapat ipasunod. Mahigpit ang siguridad. May dapat na lugal para sa media, ganun din sa mga kaanak na sasalubong sa kanya na humigit-kumulang sa
tatlumpong metro ang layo sa maaring dadaanan ni Mary Jane.
Bakas sa kanilang mga mukha ang sobrang pananabik. Lalo na sa dalawa nitong mga anak na maliliit pang walang kamuwangan nang siya (Mary Jane) ay napiit. May dala-dala silang mga bulaklak na simbolo ng galak at pagbubunyi. Inaasahan ng marami na magkakaroon ng pagkakataong masilayan ang mahigpit na yakap at pagtulo
ng luha ng kagalakan, ngunit hindi ito nangyari. Bagkus, hanggang sulyap na lang bago naisakay sa isang SUV si Mary Jane at naideretso na sa Correctional Institute for Women.
Ang mga nanginginig na mga braso na sabik yumakap mula sa kanyang mga kaanak ay hindi naganap. Ngunit ang
pananabik at pasasalamat ay naghari pa rin.. Single mother si Mary Jane at hanggang sa high school lang ang kanyang natapos dahil sa kahirapan. Bago siya nasadlak sa Indonesia, dati na siyang overseas worker sa Dubai noong 2009 ngunit napilitan siyang umuwi matapos siyang tangkaing gahasain ng amo. Noong 2010, ni-recruit siya upang magtrabaho sa Malaysia ng isang Maria Cristina Sergio.
Nang dumating siya sa Kuala Lumpur, Malaysia, sinabi ng recruiter na wala na raw bakanteng trabaho doon kaya
ililipat na lang siya sa Indonesia. Naipakilala siya sa isang nagngangalang “Ike” na isang Afrikano na siyang
tumulong upang makarating siya sa Indonesia. Ang masaklap..siya ay pinigil ng mga otoridad sa immigration ng
Indonesia dahil may lamang 2.6 kilo ng heroine ang kanyang bagahe. Ayon sa kanyang salaysay, wala siyang
kamuwangan sa nilalaman ng kanyang mga dala dahil ito ay inihanda diumano ng kanyang recruiter at ng Afrikanong si “Ike”.
At dito nagsimula ang kalbaryo ni Mary Jane. Nakulong at nahatulang mamatay sa “firing squad”. Nahuli naman ang kanyang recruiter na si Maria Cristina Sergio at kasabwat na isang Julius Lacanilao. Nasentensiyahan sila ng
habambuhay na pagkabilanggo ng Nueva Vizcaya Regional Trial Court noong 2020. Siya kaya ay bibigyan ng
“clemency” ni Pangulong Bongbong Marcos? Kahit na ang Lower House ay may isinusulong na paghiling kay Pangulong Marcos na siya ay bigyan ng Presidential Pardon .
Habang siya ay nasa loob ng 55 araw ng “orientation at diagnostic evaluation”, maari lamang siyang dalawin ng mga
kaanak pagkatapos ng quarantine period. Anuman ang mangyari kay Mary Jane ngayun at nakabalik na sya sa
Pilipinas, marami tayong dahilan upang magdiwang ng lubos netong Pasko. Para sa ating sarili at sa ating mga kapwa. Maligayang Pasko mga pards. Adios mi amor, ciao, mabalos.
December 22, 2024
January 12, 2025
January 12, 2025
January 12, 2025
January 12, 2025
January 12, 2025
January 4, 2025