Huwag humatol sa iyong kapatid

Ang nagpapahalaga sa araw ay nagpapahalaga nito sa Panginoon; at ang kumakain ay kumakain para sa Panginoon, sapagkat siya’y nagpapasalamat sa Diyos; at ang hindi kumakain para sa Panginoon ay hindi kumakain at nagpapasalamat sa Diyos. Walang sinuman sa atin ang nabubuhay sa kanyang sarili, at walang sinumang namamatay sa kanyang sarili.
Kung nabubuhay tayo, sa Panginoon tayo’y nabubuhay; o kung namamatay tayo, sa Panginoon tayo’y namamatay. Kaya’t mabuhay man tayo o mamatay, tayo’y sa Panginoon. Sapagkat dahil dito si Cristo ay namatay at muling nabuhay, upang siya’y maging Panginoon ng mga patay at gayundin ng mga buhay.

MGA TAGA-ROMA 14:6-9

Amianan Balita Ngayon