Ibat-ibang mukha ng pulitika, Sino ang bet mo?

Tapik ni Tonying

Naimbag nga aldaw kadagit kailyak ditoy Amianan a Luzon kablaawak amin nga kabagyak, gagayyem , kumpadek, kumadrek ken dagitoy kapitbahay ko ditoy Shangrilla Village ken amin nga agbasbasa ti Amianan Balita Ngayon ken ti Amianan Online News tayo nga awan malabsan.

Sa mga nagdaang araw halos alam natin na hindi dalawin ng antok ang mga kumakandidatong mga pulitiko siyempre iniisip nila mga gimik upang masuyo nila ang mga botante. Ang iba nag-iisip na magsilbi sa bayan, yung iba naman kumukuha lang ng campaign funds, naku ang sagwang ugali ang iba naman ay Epal lang.

ATTORNEY EDGAR M. AVILA TUNAY NA PUBLIC SERVANT.
Pero may mga pulitiko na minsan manghihinayang ka kung bakit hindi tumakbo na magsilbi sa bayan ngunit dapat din natin intindihin dahil lahat ay may dahilan.

Isa sa mga nakita kong pulitiko na nasa Puso ang pagsisilbi sa bayan at sa tao na may takot sa Diyos ay si Atty. Edgar M.Avila na tinaguriang “Agila “ ng Baguio nagsilbing Youth Representative sa bansa noong panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na kung saan ay hindi matatawaran ang mga naging programa niya sa mga kabataan noong panahon na siya ay nakaupo at hindi lang yan marami rin siyang naging scholar sa ibat-ibang bansa na mga kabataan at yan ay dinala niya noong siya ay nahalal na konsehal sa Lunsod ng Baguio noong 2013.

At kahit na wala na siya bilang isang public servant, tuloy pa rin ang kanyang programang scholarship sa mga estudyante sa lunsod na deserving naman at mga anak ng mahihirap. Patuloy din ang kanyang pamimigay ng wheelchair sa mga person with disabilities.

Sandamakmak din ang lumalapit sa kanya na nagpapatulong sa mga kaso karamihan ay “pro bono”. Dahil nga sa taos-puso ang pagtulong hindi siya humihingi ng kapalit dahil yun ang kanyang layunin sa buhay ang tumulong sa mga nangangailangan at sa mahihirap.

Sa taong ito na panahon ng pulitika, minabuti ni Atty. Edgar Avila na hindi muna sumabak sa karera sa pulitika ,ngunit siya ay nag-abiso sa
kanyang mga supporters na “bakasyon” muna at maghahanda sa mga susunod na hakbang niya sa larangan ng pulitika.

Sinabi rin ni Atty. Avila na kahit wala siya sa poder ng gobyerno ay patuloy pa rin niyang itataguyod ang pagtulong sa kanyang mga kababayan sa Lunsod ng Baguio . At abangan ang muling paglipad ng “Agila ng Baguio” sa 2025.

Mula noong Oktubre 1 hanggang Oktubre 8 ay makikita mo ang ibat-ibang mukha ng mga pulitiko na naghain ng kanilang certificate of candidacy sa tangapan ng Commission on Election sa lungsod ng Baguio at sa lalawigan ng Benguet, La Union at Pangasinan.

Sa lunsod ng Baguio maghaharap sina incumbent Mayor Benjamin Magalong, dating Vice-mayor Edison Bilog at dating Mayor Mauricio Domogan sa pagka-mayor sa lunsod, samantalang sa pagka congressman naman ay one on one sina incumbent Kongresman Mark Go at dating Kongresman Nicasio Aliping.

Magandang labanan ito dahil magkakaalaman kung sino ang tunay na mahal ng mga taga Baguio kung si Domogan ba, Bilog o Magalong?

Hindi rin maikakaila na alam na rin ng mga taga Baguio ang mga performances ng mga pulitikong ito, maging sina Aliping at Go ay alam na rin ng mga taga Baguio kaya sino ang bet mo sa kanila?

Sa susunod nating kolum ay mga konsehal naman at ang mga tatakbong Pangulo at Bise ng bansang Pilipinas…