Ifugao pulis tumulong sa mga kababayang sinalanta ng bagyo, Pag “Shut down” ng Baguio sa mga boarder ng La Trinidad, Tuba, Sablan at Tublay ikinainis ng mga netizen!

Tapik ni Tonying

Marami sa ating mga kababayan sa Norte (Amianan) ang tulung-tulong na nagdasal sa Poong Ama na huwag mapinsala ang mga buhay, kabuhayan at ari-arian ng mga mamamayan sa Northern Luzon bunga ng mga bagyong nanagasa sa bansang Pilipinas sa mga nagdaang araw at buwan, subalit ganun pa man mayroon pa ring mga buhay ng mga tao ang lubos na hindi nakaligtas sa unos ng kalikasan.

Masasabi ko na may kasalanan ang mga tao sa mga nagaganap na unos o trahedya sa ating buhay at kalikasan, bunga na rin ng pagsasamantala ng ilang mga taong may interest sa kalikasan. Ang pagkasira ng Sierra Madre (bundok peninsula sa dako ng Pacific Ocean) na kung saan ay nagmumula ang mga bagyong sumasalanta sa bansa. Kung hindi sana nasira ang mga bundok na ito at hindi nauso ang illegal logging malamang may mga puno at bundok na sasangga sa mga malalakas na hangin at ulan at maraming buhay ng tao ang maililigtas.

Sana dalangin ko na liwanagin nawa ng Poong Maykapal ang mga tao sa lugar na ito na muling magkaroon ng puso para sa environment. Tingin ko hindi pa huli ang lahat… Saludo ako sa miyembro ng Ifugao Provincial Police Office sa kanilang naging aksyon na mag-chip in ng tig P200.00 bawat isang pulis, na kung saan ay nakalikom ang mga ito ng halos P135,000.00 na halaga.

Ito ay upang kanilang ibigay bilang tulong sa mga nabiktima ng bagyong si Ulysses na kumitil ng 5 buhay sa lalawigan ng Ifugao at halos umabot na rin sa daang milyon ang halaga ng mga nasirang mga ari-arian at bukirin ng mga taga-Ifugao.

Tama lang naman mga Mamang Pulis at Aleng Pulis napakainam ng inyong ginawang pagtulong sa inyong mga kababayan dinaig nyo pa ang mga linsyak na mga pulitiko eh nasaan ba ang mga ito Ka Pekto? at tila hindi sila naririnig, dahil ba malayo pa ang eleksyon juice ko day!!!

Ganun saludo tayo kay P/ Col. Elmer Ragay ng Benguet Provincial Police Office sa kanilang agarang pagresponde sa mga nabiktima sa bayan ng Buguias na kung saan ay may dalawang tao rin ang namatay dahil sa bagyong Ulysses.

At siyempre si Brig. Gen. Pagkalinawan na siyang nangasiwa sa supervision ng rescue operation hindi lang sa mga taga-Cordillera kundi maging sa Rehiyon ng Cagayan ay nagpadala ito ng 800 na pulis at mga bangka na galing sa Burnham Lake na kung saan ay dinala pa nila ito sa lalawigan ng Cagayan upang magamit sa rescue operation sa mga bayang binaha.

Maraming taga-Benguet ang mga nagsitaas ang kilay at naasar sa resulta ng conference umano nila Mayor Magalong ng Baguio City at ng mga opisyal ng lalawigan ng Benguet na isara o higpitan pa ang pagpasok ng mga taga-La Trinidad, Tuba, Sablan at Tublay dahil sa hindi maayos na pag-implementa ng health protocols, na sanhi diumano ng pagtaas ng kaso ng Covid-19, hindi lang sa Baguio City kundi maging sa mga nasabing bayan.

Ano nga ba ang dahilan ng “shut down”?, ito ang sabi ni Baguio City administrator Bonifacio dela Peña Dahil diumano sa walang control ang Benguet sa pagimplementa ng health protocols na walang testing na ginagawa ang mga bayang ito, walang isolation facilities at kulang daw sa situational awareness sa pandemya. Wow! Ang bigat mo Tsong.. Tanging ang mga workersmula sa public at private angmaaring pumasok sa Baguio City, ito ay simula November 21 hanggang December 4, 2020.

At kung residente ka ng La Trinidad, Sablan ,Tuba at Tublay na wala ka namang gagawing mahalaga sa Baguio wag ka na lang pumunta ng Baguio, kasi ito ang mga kakailanganin mong requirements, “valid government-issued IDs, proof of employment or business in Baguio and medical certificates indicating that they are not positive of Covid are required at the control points to Baguio City.

For residents of Tuba, Sablan and Tublay, aside from valid iD’s and proof of employment or business in Baguio, they must present medical certificates stating that she or he did not exhibit flu-like symptoms in the last five days.

Those going to Baguio for essential needs must show quarantine passes issued by their respective barangays”. Dahil dito katakut-takot na pambabatikos ang inabot ng local na pamahalaan mula sa mga Netizen sa mga nasabing bayan at hindi lang yan pati mga taga-Baguio ay naiirita sa sistema na ito na sa tingin nila ay lalong nagpapahirap sa sitwasyon ng mga tao.

Kung mahilig kang mag facebook naku ka Pabling mababasa mo ang mga ibatibang komento ng mga netizen sa naging pasyang ito ng mga local na opisyal, but anyway sabi nga ng ilan ay prinoprotektahan lang umano ni Mayor Magalong ang mga tao laban sa mas malalang pagkalat ng virus.