IGOROT STONE KINGDOM SA BAGUIO CITY PINASARA

Nov 12, 2022

BAGUIO CITY — Ipinasara ng city government ang sikat na man-made tourist attraction na Igorot Stone Kingdom sa pamamagitan ng closure order na inisyu ni Mayor Benjamin Magalong noong Nobyembre 8
dahil sa mga isyu sa permit at kaligtasan. Sinabi ni Magalong na ang establisyimento ay tumatakbo nang walang business permit habang ang mga istrukturang bato sa loob ay hindi sakop ng building permit kung saan pinag-uusapan ang structural integrity ng mga constructions.

Aniya, nauna nang naabisuhan ang may-ari ng mga paglabag sa permit at pinayuhan na sumunod sa mga
kinakailangan ngunit nabigo ito. Sa halip, ang pamunuan ay nagsumikap na magtayo ng mas maraming istruktura laban sa payo ng pamahalaang lungsod at patuloy na sumalungat sa mga utos ng cease and desist na nagudyok sa City Buildings and Architecture Office na magsampa ng kasong kriminal para sa paglabag sa National Building Code noong Nob. 7, 2022.

Sinabi ni Magalong na kailangang isara ito ng lungsod bilang pag-iingat sa kaligtasan dahil posibleng
mapanganib ito dahil sa kakulangan ng sertipiko na tumitiyak sa kaligtasan ng mga istruktura. “We have to be proactive. We can’t wait for something bad to happen bago tayo kumilos,” pahayag ni Magalong. Batay sa isinasagawang Climate Risk and Vulnerability Assessment (CRVA) para sa Baguio City na isinasagawa ng Asian Development Bank at ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), napag-alaman na ang istraktura ay nasa “very high landslide exposure. ”

Dagdag pa ni Magalong, idineklara na rin ng Mines and Geo-Sciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (MGBDENR) na “prone to erosion” ang lugar. Ang Stone Kingdom ay
sinimulang itayo nang pauntiunti sa 6,000 metro kuwadrado na lugar na pag-aari ni Contractor Pio Velasco.

Zaldy Comanda/ABN

RELATED POSTS

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd...

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest