IKA-9 NA SUPER HEALTH CENTER ITATAYO SA PANGASINAN

UMINGAN, Pangasinan

Isa pang super health center sa Pangasinan, ang ikasiyam sa ngayon sa probinsiya, ang malapit ng
itayo sa Barangay Sn Vicente, Umingan upang magbigay ng mga pangunahing pangangailangan sa kalusugan, kasama ang specialized health services sa local level. Sa isang groundbreaking ceremony noong Martes (Abril 18), sinabi ni Senator Christopher Lawrence Go, chairman ng Senate Committee on Health, na ang super health center sa baying ng Umingan ay isa sa 307 centers sa buong bansa na pinopondohan sa pamamagitan ng 2022 national budget, na may tulong mula sa
Department of Health (DOH).

“Natutuwa po ako na ang napili ay sa malalayong lugar dahil nais po nating ilapit ang serbisyo medical sa mga kababayan na malalayong lugar, iyong mga nasa fourth, fifth, and sixth class
municipalities na walang pondo para magpatayo ng ospital,” aniya. Ipinaliwanag ni Go na ang super health centers ay mga medium-type polytechnic clinics na mayroong isang outpatient department, isang laboratory, at isang X-ray at ultrasound equipment. Ang mga clinic na ito ay magseserbisyo sa
panganganak, diagnostic, pharmaceutical at emergency services, at iba pa.
“Mas maliit sa ospital pero mas malaki sa rural health unit (RHU). Ang local government unit
(LGU) ang mamahala, i-implement ng DOH at i-turn over sa LGU at sila na mag-operate,” ani Go.
Sinabi niya na ang pagpondo sa 307 super health centers, siyam ditto ay sa Pangasinan, ay
namgula sa 2022 national budget. Samantala, pagpopondo para 322 pa, 10 dito ay sa Pangasinan, ay magmumula sa 2023 national budget.

Ang mga health center sa Pangasinan na pinondohan mula sa 2022 budget ay ang nasa mga bayan ng Alaminos City, Basista, Manaoag, Mapandan, Laoac, Pozorrubio, Asingan at Balungao. Ang mga super health center na naka-schedule para sa 2023 ay ang mga nasa bayan ng Agno, Alcala, Bani, Calasiao, Malasiqui, San Fabian, San Quintin, San Manuel, Sison at Urbiztondo. Sa isang pahayag, sinabi ni Director Paula Paz Sydiongco ng Department of Health Center for Health Development Ilocos Region na ang implementasyon at konstruksiyon ng mga super health center ay magbibigay ng isang mas mataas na pamantayan ng pangangalaga kaysa sa isang regular na rural health center.

“This would also help the secondary and tertiary hospitals as their outpatient services and
emergency services will be lessened as the super health care centers will be the ones that will give the primary medical need of the residents in the communities,” ani Sydiongco. Idinagdag niya na ang layunin ng mga center ay upang nakapagbigay ang mga local health care facilities ng mga local government unit basic health care services at matugunan ang mga pasyenteng nangangailangan ng surgery at specialized health care services na maglalatag ng pundasyon ng ating hangarin at mandato, ito ang ‘Universal Health Care For all Filipinos’.

(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon