Ikalawang Donasyon ng Plasma mula sa Simbahan ng Shincheonji, Sinimulan upang Mapabilis ang Pagbuo ng Lunas para sa COVID-19

SOUTH KOREA — Noong ika-27 ng Agosto, 1,223 miyembro ng samahang panrelihiyon na tinatawag na Shincheonji Church of Jesus ang lumahok sa pagbibigay ng plasma para sa pagbuo ng lunas para sa COVID-19.
Inanyayahan ng mga awtoridad sa kalusugan sa South Korea ang Shincheonji Church noong ika-24 ng Agosto na makipagtulungan para sa pagbibigay ng karagdagang plasma para sa paggawa ng bakuna.
Sa simula ng taon, karamihan sa mga kumpirmadong kaso mula sa lungsod ng Daegu ay nagmula sa Shincheonji Church. Mula sa humigit-kumulang 5,000 na miyembro na nahawahan, karamihan ay gumaling na mula sa virus samantalang 11 ang namatay.
409 mula sa 897 na kabuuang bilang ng nakolektang plasma ay galing sa mga miyembro ng simbahan na nagbigay noong Hulyo. Upang “mapabilis ng pagbuo ng lunas sa pamamagitan ng donasyon ng plasma at klinikal na pagsubok,” humiling ang Korea Centers for Disease Control and Prevention (KCDC) na magsagawa ng isa pang malawakang donasyon ngayong Agosto mula sa mga gumaling na miyembro ng simbahan.
Ang KCDC ay opisyal na nagpasalamat sa Shincheonji Church at kay Chairman Lee Man Hee para sa “aktibong pakikilahok sa koleksyon ng plasma bilang isang pangkat upang makabuo ng lunas para sa kaligtasan ng pambansang kalusugan sa ilalim ng pandaigdigang krisis sanhi ng COVID-19.”
“Sa tulong ng lungsod ng Daegu, ang Daegu Athletics Center ay maghahanda ng lokasyon at ang Red Cross ay maghahanda ng mga kagamitan at tauhan para sa donasyon mula ika-27 ng Agosto hanggang ika-4 ng Setyembre.
Kami ay nagpapasalamat sa lungsod para sa pagbibigay ng lokasyon para sa malawakang donasyon, maging sa mga miyembro ng simbahan ng Shincheonji,” sabi ni Mr. Kwon Jun-wook, Deputy Director ng KCDC.
Ang pananaliksik at pagpapaunlad ng convalescent plasma treatment ay isinasagawa ng National Institute of Health sa ilalim ng Ministry of Health and Welfare sa pakikipagtulungan sa Green Cross (GC) Pharma, isang kumpanya ng biotechnology sa South Korea.
Ang mga pangunahing hamon sa pagsasaliksik at pagbuo ng epektibong convalescent plasma treatment ay nagmula sa limitadong suplay mula sa mga donor na gumaling mula sa virus.
Ayon sa pinuno ng Shincheonji Church na si Chairman Lee, “Ito (donasyon ng plasma) ay kailangan nating gawin bilang mga mamamayan ng bansang ito at bilang mga tunay na mananampalataya. Sinusunod nito ang utos ni Hesus na mahalin ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili (Mat. 22:39 ng Bibliya).”

Amianan Balita Ngayon