Ikalawang palapag ng bahay, nasunog sa Mt. Province

Nasunog ang ikalawang palapag ng isang bahay bandang 7:30pm ng Agosto 20, 2018 sa Sitio Mavagiw, Barangay Demang Sadanga, Mountain Province.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga rumespondeng tauhan ng Sadanga MPS, nang mangyari ang insidente, ang pamilya ng may-ari ng bahay na si Roberto Ambon Fodad ay maghahapunan na sa ground floor ng nasabing bahay nang ang kaniyang pamangkin na si Sava Fodad Briones ay lumabas upang dalhin ang ulam sa makeshift kitchen katabi ng kanilang bahay ay nasorpresa nang makita niya sa bintana na nasusunog ang kaniyang kuwarto na nasa ikalawang palapag kung kaya’t humingi siya ng tulong.
Agad na rumesponde ang mga kapitbahay kung kaya agad ding naapula ang sunog hanggang naideklarang fire out bandang 8pm ng parehong araw nang walang casualty o nasugatan mula sa residente at mga rumesponde.
Ang sanhi ng sunog ay hindi pa malaman subalit tinitignan ng mga fire investigator ng Municipal Fire Station na posibleng sanhi ng sunog ang faulty electrical wiring.
Tinatayang umabot sa humigit kumulang P250,000 ang nasira ng sunog. PIO-PROCOR

Amianan Balita Ngayon