LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union
Nakamit ng Police Regional Office 1 (PRO 1) ang mga kapansin-pansin na taumpay sa nagpapatuloy na kampanya laban sa mga iligal na aktibidad sa Rehiyon ng Ilocos para sa buwan ng 2024. Sa isang pahayag, idinetalye ng PRO 1 ang serye ng mga matagumpay na operasyon na target ang mga iligal na droga, mga wanted na indibiduwal, at mga criminal gang. Sa pamamagitan ng magkatuwang na pagsisikap, nadakip ng mga opisyal ng PRO 1 ang maraming wanted na indibiduwal at nasamsam ang malaking kantidad ng illegal substances at baril.
Sa laban kontra mga iligal na droga, nagsagawa ang PRO 1 ng 82 operasyon, na nagresulta sa 91 suspek at ng pagkumpiska ng mahigit 110,350 tanim na marijuana, 55,600 seedlings, 305 gramo ng dried marijuana leaves, at 1,147.54 gramo ng shabu, na may kabuuang estimated street value na PhP32,133,958.40 Karagdagan, dinakip ng PRO 1 ng 39 ng most wanted individual sa rehiyon na walang reward at karagdagang 289 wanted persons.
Nagsagawa rin ang opisina ng 47 operasyon laban sa iligal na pagsusugal, na humantong sap ag-aresto ng 163 suspek at pagsamsam ng PhP49,963 na pustang pera at kagamitan. Sa tutok na pagsisikap laban sa mga criminal gang,
limang suspek ang naaresto, at sa ilalim ng Letter of Instructions (LOI) Kontra Boga initiative, 18 operations ang nagresulta sa pagkakumpiska ng 19 baril, na may 28 indibiduwal ang dinakip at 20 hiwalay na mga kaso ang ipinila sa korte. Layon ng LOI Kontra Boga na bawasan ang paglaganap ng hindi rehistradong mga baril na nasa kamay ng mga sibilyan at sa mga grupo ng kriminal.
Sa kampanya laban sa Communist Party of the Philippines/New People’s Army/National Democratic Front (CPP/NPA/NDF), pinangunahan ng PRO 1 ang pagsuko ng siyam na miyembro ng communist terrorist group (CTG) at 24 miyembro ng communist front organization (CFO), na sama-samang nagsuko ng tatlong baril. Binigyan-diin ni Police Brigadier General Lou Evangelista, PRO 1 Regional Director, ang pangako ng opisina na siguruhin ang kaligtasan at seguridad ng rehiyon.
Idiniin niya na ipagpapatuloy ng PRO 1 ang walang humpay ng pagsisikap nito upang panatilihin ang batas at prptektahan ang komunidad. “These accomplishments demonstrate our unwavering efforts to combat crime and maintain peace in the Ilocos Region,” aniya. Ang mga kahanga-hangang nagawa ng PRO 1 ngayong Setyembre 2024 ay nagpapakita ng pagiging epektibo ng mga estratehiya nito sa pagtugon sa iba’t-ibang mga aktibidad na kriminal. Ang mga tagumpay na ito ay nag-ambag sa isang mas ligtas at mas panatag na kapaligiran para sa mga tao ng Ilocos Region.
(AMB/PIA Ilocos/PMCJr.-ABN
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025
March 16, 2025