LUNGSOD NG BAGUIO – Pinapurihan ng Ilocos Police Regional Office (PRO-1) nitong Martes ang 11 uniformed at non-uniformed personnel (NUP) nito kaugnay ng pag-uumpisa ng seremonya ng selebrasyon ng National Women’s Month.
Sa isang pahayag ay sinabi ng PRO-1 na ang paggawad ay pagkilala sa mahahalagang ambag ng mga kababaihan sa lipunan at bilang paraan upang itaguyod ang pag-unlad sa pagbibigay kalakasan sa mga babae para sa kanilang dimatatawarang pagsisikap sa pagsasagawa ng iba’t-ibang trabaho ng pulis, kapuwa administratibo at operasyunal na antas.
Ang mga nagawaran ay sina Col. Anela Rejano, chief ng Regional Finance Service Office 1; Col. Tetchie Lebanan, chief ng Regional Medical and Dental Unit 1; Lt. Col. Regina Abanales, deputy chief ng Regional Civil Security Unit 1; Lt. Col. Genevieve Poblete, chief of police ng Binmaley Municipal Police Station (MPS) Pangasinan; Maj. Maria Theresa Miemban, chief of police ng Sison MPS Pangasinan; Capt. Arcelie Pang-Ag, chief of police San Gabriel MPS La Union; Lt. Arminda Abang, chief of Provincial Administrative and Records Management Unit in La Union; Lt. Cheryll Cacayorin, chief of police ng Carasi MPS Ilocos Norte; MSgt. Marilyn Obidoza ng Santol MPS La Union; SSgt. Vina de Leon ng Bayambang MPS Pangasinan; at NUP Ofelia Dimaculangan, chief ng NUP Affairs Division ng PRO- 1.
Sa kaniyang recorded na mensahe, ay binigyan-tampok ni Department of the Interior and Local Government Ilocos regional director, Dr. Julie Daquioag ang napakahalagang papel ng mga kababaihan sa pundasyon ng isang tahanan, at pinakamahalaga, ang pagunlad sa lipunan.
“Women have a huge role. With their domestic role, economic role, and communitymanagement role,” aniya. Idinagdag niya na ang gender stereotype ng kababaihan ay unti-unti nang napapawi dahil sa mga batas, memorandums, at iba pa, na naitakda upan siguruhin ang pantay na mga karapatan at oportunidad sa pagitan ng mga lalaki at babae sa lipunan.
“I congratulate everyone and those who implement the GAD (gender and development) programs in their respective offices,” aniya.
Sinabi ni Rejano, isa sa mga nagawaran na ang mga babae sa Philippine National Police ay hindi lamang front-liners kundi nasa ibabaw din ng linya sa pagbibigay ng gender equakity space sa police service.
“We thank the men who allowed us to succeed in our chosen field,” aniya. Si Rejano ay ang kauna-unahang babae na namuno sa Regional Finance Service Office sa PRO-1.
Binati at inihayag ni Brig. Gen. Westrimundo Obinque, PRO-1 regional director, ang kaniyang pagsaludo sa lahat ng kababaihan, lalo na ang mga nasa police force.
“Gone are the days when women are merely homemakers, (be)cause we find them now in the different fields working jobs which we once thought were for men. You women are not only faring well, but you are actually doing better,” sabi niya sa isang pahayag.
Ang tema ng selebrasyon ng Women’s Month ngayong taon ay “We Make Change Work for Women,” ba nakatutok sa “Agenda ng Kababaihan, Tungo sa Kaunlaran” tampok ang adbokasya para sa pag-unlad ng kababaihan.
(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)
March 13, 2022
March 13, 2022
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025