LAOAG CITY, Ilocos Norte
Napanatili ng Ilocos Region (Region 1) ang pangunguna nito sa agrikultura na may mahigit 100 percent food sufficiency, sabi ni Regional Development Council (RDC) 1 chairperson at outgoing Ilocos Norte Governor Matthew Joseph Manotoc noong Huwebes. Sa kaniyang State of the Region Address (SORA) sa Lingayen, Pangasinan, sinabi ni Manotoc na ang transformative initiatives, gaya ng Philippine Rural Development Project (PRDP), ay nagbigay-kapangyarihan ang mga magsasaka na palakasin ang kanilang pagiging produktibo. “Noong 2024, ang ating sektor ng agrikultura ay nakakita ng tunay na ganansiya sa pagkompleto ng higit 80 farm-to-market roads na pinondohan ng General Appropriations Act, na makabuluhangnagpabuti sa access sa mga merkado at pagpapababa ng transport costs,” aniya.
Idinagdag ni Manotoc na ang Ram and Fisheries Consolidation and Clustering (F2C2) program, ay bumuo rin ng halos 80 farming cluster sa mahigit 25,000 ektarya, na nagpapahusay sa pagiging produktibo at access nga mga magsasaka sa merkado. Sa gitna ng malalakas na
bagyo na tumama sa bahaging ito ng Luzon, nakaapekto sa mga magsasaka at mangingisda ay nakaagapay sa mahigit PhP2.1 bilyon recovery and rehabilitation aid mula sa gobyerno upang ibalik ang kanilang kabuhayan, muling pagtayo ng nasirang imprastruktura, gayundin bilang subsidiya sa mga farm input, ani gobernadora ng Ilocos Norte. “Napanatili natin an higit 100 percent food sufficiency. Ang ating produksiyon ng palay ay nasa 100 porsiyento, mais sa 250 porsiyento, at isda sa 119 porsiyento, na sinisiguro ang seguridad sa pagkain para sa rehiyon na may sobra,” dagdag niya.
Pinasalamatan ni Manotoc ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang vision at malakas na suporta, na patuloy na natutulak ng
mga pangunahing proyekto sa imprastruktura at pag-unlad sa buong rehiyon ng Ilocos. “Matapos ang tatlong taon bilang inyon RDC chair, ang ating RDC ay nasa mas mabuting posisyon na upang manguna, makipag-ugay, at magbigay ng mga resulta na aabot sa bawat sulok ng ating minamahal na rehiyon. Ipagpapatuloy nating tulungan ang ating mga lider na siguruhin ang mga proyekto na kailangan ng ating mamamayan,” aniya. Ang Ilocos Region ay isang nangungunang producer ng high-value crops gaya ng manga, tabako, bawang, at kamatis, habang pangalawa sa produksiyon ng sibuyas, pangatlo sa palay, at pang-lima sa mais.
(LA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)
June 23, 2025
July 12, 2025
July 12, 2025
July 12, 2025
July 12, 2025
July 12, 2025
July 5, 2025