Ilocos Sur COVID-19 FREE makalipas ang tatlong buwan

Provincial

Makaraan ang higit sa tatlong buwan, Muli ng ideneklara COVID-19 FREE ang lalawigan ng Ilocos Sur matapos na mag-negatibo sa repeat reverse transcription – Polymerase chain reaction o
RT-PCR test and dalawang huling aktibong kaso ng nasabing sakit sa lalawigan.

Kaugnay nito, pinuri ni Governor Ryan Singson ang disiplina at pagkakaisa ng bawat mamayan, kasama ang iba’t ibang local government units. Anita, ang simpleng pagsunod ng mga residente sa
mga ipinatutupad na health protocols at mga guidelines sa paglabas at pagpasok ng mga residente sa lalawigan ay mayroong malaking ambag sa pagkamit ng Covid-19 free status ng Ilocos Sur.

Inaasagan naman ng nasabig opisyal na magtutuloytuloy na ang pagiging Covid-19 free ng lalawigan lalo pa’t nakatakda nang buksan ng Provincial Government ang iba’t-ibang sikat na tourist destination sa Ilocos Sur para sa mga lokal na turista mula sa Luzon, Kasama na ang Metro Manila.

Ito ay upang makabangon na rin mula sa epekto ng Covid-19 pandemic ang ekonomiya at sector ng turismo ng Ilocos Sur na isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ng Provincial Government katuwang ang Department of Tourism-Region 1 sa pamumuno ni Regional Director Jeff Ortega.

Kung maalala, Nito lamang nakaraang October 1 nang buksan ng IIocos Sur ang turismo sa lalawigan para sa mga turistang manggagaling sa Ilocos Norte, La Union, Pangasinan at Baguio City pagkatapos nang naisawang tourism bubble sa pagitan ng apat na gobernador sa Region 1 at ni Baguio Mayor Benjamin Magalong noong buwan ng Septembre, At ngayong nobiembre akinse, bubuksan nmn ang Ilocos Sur sa mga turistang manggagaling sa boung Luzon.