Imbentaryo ng gov’t at private vehicles, iniutos

Feb 23, 2019

LUNGSOD NG BAGUIO – Naglabas ng kautusan ang Baguio-La Trinidad- Itogon- Sablan-Tuba-Tublay (BLISTT) governing board sa regional at provincial line agencies at local government units na magsumite ng imbentaryo ng government at private motor vehicles na ginagamit ng kanilang mga opisyal at empleyado para matukoy ang kasalukuyang bilang ng mga sasakyan sa lugar at gabayan ang policy makers at decision makers sa paglikha ng mga programa, proyekto at mga aktibidad para tumulong sa pagbawas ng volume ng pollutants sa kapaligiran.
Nagbigay din ng direktiba ang BLISTT Governing Board sa mga local government na isumite ang kanilang mga plano sa enactment ng kanilang sariling clean air ordinance at para sa enactment of legislation na sakop ang implementasyon ng “carless days” sa kanilang nasasakupang hurisdiksiyon.

Hiniling din ng board sa local governments, agencies, instrumentalities at state universities and colleges na nagpapatupad ng carless days sa kanilang opisina na magsumite ng ulat sa mga
epekto ng implementasyon ng nasabing hakbang para sa mas mabuting apresasyon ng ibang local governments at agencies na magtatatag pa lamang ng kanilang carless days.

Binubuo ang BLISTT Governing Board ng local government units, regional directors ng regional line agencies at officials of instrumentalities at SUCs sa BLISTT area.
Naunang inumpisahan ipatupad ang carless days sa municipal compound ng La Trinidad at Sablan habang ang mga ahensiya at SUCs na nagpatupad din ay mga opisina sa Cordillera ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Environmental Management Bureau (EMB-CAR), Mines and Geosciences Bureau (MGBCAR), University of the Philippines College Baguio (UPCB) at ang Benguet State University (BSU).
Inumpisahan ng Baguio city ang implementasyon ng carless day sa loob ng city hall premises bawat Lunes subalit nagdesisiyon ang mga konsehal na ihinto ito dahil sa diumano’y dulot na abala sa kanila at sa publikong may transaksiyon sa mga local government offices.
Ang BLISTT Governing Board ay pinamumunuan ni EMB-CAR regional director Maria Victoria Abrera na binigyan halaga ang importansiya ng pagrepaso sa iplementasyon ng carless days sa iba’t-ibang bahagi ng BLISTT at tingnan ang mga inobasyon na maaaring kumumbinsi sa mas maraming tao na sumunod sa implementasyon ng carless days para makatulong sa pagbawas ng pollutants sa kapaligiran.
May mandato ang mga local government na magpatupad ng local version ng mga probisyon ng Clean Air Act para tumulong sa paglikha ng mga hakbang para mabawasan ang mga pollutant sa hangin, na isang natukoy na sanhi ng polusyon ay ang masamang usok mula sa mga sasakyang de motor.
Ang lungsod ng Baguio lamang sa local government ang nakapaglabas ng local version ng Clean Air Act na agresibong ipinapatupad ng mga personnel ng City Environment and Parks Management Office (CEPMO), partikular ang pagsasagawa ng roadside inspection, testing, monitoring at assessment ng lahat ng motor vehicles na bumabagtas sa mga pangunahing daan sa lungsod at tiyakin kung nagbubuga ang mga sasakyan ng usok alinsunod sa pamantayang takda ng umiial na batas, rules and regulations na nilikha.
Nagsasagawa ng quarterly meeting ang BLISTT Governing Board para mapag-aralan ang implementasyon ng mga programa, proyekto at mga aktibidad ukol sa pagyabong at pag-unlad ng BLISTT.
 
 
PNA/ABN

RELATED POSTS

SPECIAL TREATS FOR EMPLOYEES

SPECIAL TREATS FOR EMPLOYEES

Benguet Capitol employees availed themselves of free haircut, hot oil hair treatment, foot spa, and manicure and pedicure services, an...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest