Implementasyon ng SBDP projects sa isang bayan sa IS nag-umpisa

Ang implementasyon ng PhP20 milyon Support to Barangay Development Program (SBDP) sa Barangay Nagbettedan, Sto. Domingo, Ilocos Sur ay agad mag-uumpisa pagkatapos ng pormal na groundbreaking rite ng infrastructure components nito noong Hulyo 16.
Sa isang simpleng programa ay pinangunahan nina Secretary Hermogenes C. Esperon Jr., ang national security adviser Ilocos Sur Governor Ryan Luis V. Singson; Ilocos Sur First District Congressman Deogracias Victor B. Savellano; at Sto. Domingo Mayor Bryan Dexter Tadena ang groundbreaking ceremony gn mga proyekto na sinaksihan ng mga residente at mga miyembro ng Joint Regional Task Force 1 – Ending the Local Communist Armed Conflict (JRTF1-ELCAC).
Sinabi ni Secretary Esperon na ang Barangay Nagbettedan sa bayan ng Sto. Domingo ay isa sa dalawang natukoy na barangay sa Ilocos Sur bilang recipient ng P20 million SBDP project para sa Calendar Year 2021.
Ang isa pang barangay na recipient ng SBDP sa Ilocos Sue ay ang Barangay Baluarte sa bayan ng Salcedo. Sinabi ni Russel S. Alcanciado, local focal person ng SBDP at ang kasalukuyang Municipal Planning Development Officer (MPDO) ng bayan ng Sto. Domingo na ang SBDP sa bayan ay may tatlong component.
Ito ang konstruksiyon ng 1.481 kilometers farm to market road na nagkakahalaga ng PhP16 milyon, ang konstruksiyon ng isang school building na may halagang PhP2 milyon, at ang PhP2 milyon halaga ng livelihood trainings at cash for work aid sa mga residente ng barangay.
Ang mga proyekto ng SBDP ay nilayon para sa 822 barangay sa buong bansa na idineklarang insurgency–free mula 2016 hanggang 2019.
May kabuuang PhP16.44 bilyon pondo ang inaprubahan sa ilalim ng Republic Act 11518, o ang FY 2021 General Appropriations Act (GAA) para saLocal Government Support Fund – Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP).
Layon ng LGSF-SBDP na panatilihin ang pamamahagi ng mga basic at social services upang tugunan ang ugat na dahilan ng insurhensiya at iba pang armadong pag-aaway, ang kahirapan.
Ang mga tinukoy na project components ng SBDP ay ang farm-to-market roads; school buildings; water and sanitation system; health stations; rural electrification; reconstruction, rehabilitation, repair, at ina pang kahalintulad na mga proyekto kaugnay ng pagkakaroon ng natural o gawang-tao na mga kalamidad, epidemya, krisis na resulta ng armadong pag-aaway, insurhensiya, terorismo, at iba pang mga sakuna; pabahay; COVID-19 vaccination, immunization, at iba pang proyekto na may kaugnayan sa kalusugan; agrikultural, kabuhayan, at technical vocational trainings/projects; at, tulong para sa mga mahihirap na indibiduwal o mga pamilya sa anuman sa mga sumusunod na uri ng tulong gaya ng medikal, libing, transportasyon, pagkain, cash for work, at pang-edukasyon.
Para sa kaniyang bahagi ay tinukoy ni Governor Singson ang seryosong pagpupursige ni Pangulong Rodrigo Duterte na makamot ang kaniyang layunin na tapusin ang problema ng insuhensiya sa pagtatapos ng kaniyang termino sa 2022.
“President Duterte is the only president that I have seen to have a serious campaign against insurgency and to have focused programs for the insurgency cleared villages. Once these programs will be implemented, they will help alleviate the plight of the people and will eventually stop the fivedecade problem of insurgency,” ani Singson.
(FGL-PIA 1/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon