Index crimes sa Pangasinan bumaba ng 28%

Provincial

Nakapagtala ang Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) ng 293 index crimes mula Enero 1 hanggang Hunyo 7 ngayong taon, o 28 porsiyentong mas mababa kaysa 407 ng parehong panahon noong nakaraang taon.

“The decreased number in the index crimes can be attributed to the checkpoints and accomplishments in the gun ban, as well as the number
of augmentation forces during the election period. It is also a product of the hard work of the police units and patrolling of the force multipliers in the barangay,” ani PPPO information officer Maj. Katelyn May Awingan sa isang panayam noong Miyerkoles.

Sinabi ni Awingan na sa kabuuang bilang ng index crimes ngayong taon, 50.5 porsiyento dito ay naresolba na. “The absence of witnesses and unserviceable equipment are the challenges to the resolution of the crimes but we are conducting weekly meetings with the chiefs of police to know why there are unresolved crimes and how we may be able to help them,” aniya.

Kabilang sa top three index crimes na naitala ngayong taon ay rape na may 99 ngayong taon mula 147 ng nakaraang taon; theft na may 64 mula 91; at physical injuries na may 53 mula 57.

Sinabi ni Awingan na patuloy silang nagsasagawa ng information dissemination sa komunidad upang labanan ang mga krimeng ito, lalo na ang rape.

“The barangay officials are already aware of how to handle this kind of report in their community and how they should assist the victim,” dagdag niya.

Samantala, naitala ng PPPO ang 1,112 non-index crimes, mas mababa sa nakaraang taon na 1,672. “This is a good indicator that the police are doing their mandate as the record includes antiillegal and anti-gambling operations,” ani Awingan.

Ang non-index crimes ay mga krimeng lumalabag sa mga special laws.

(HA-PNA/PMCJr.-ABN)