INEC NAIS MAKISAMA SA ACEN UPANG MAPABABA ANG POWER RATES

LUNGSOD NG LAOAG

Sinabi ng ng Ilocos Norte Cooperative (INEC) noong Huwebes na nakikipag-usap ito sa ACEN Corporation ng Ayala para sa suplay ng clean energy at upang maipababa ang power rates sa probinsiya. “Nakikipag-usap kami sa mga power provider gaya ng ACEN upang makahanap ng mga paraan kung saan makapasok ang ACEN at makapagbigay ng kuryente sa amin,” ani acting general manager Cipriano Martinez na sinabing itinuutlak din ng pamahalaang gobyerno ang posibleng tripartite agreement upang masiguro ang lalo pang pagbaba ng power rates para sa mga consumer.

Ngayong buwan, patuloy na malalasap ng mga sambahayan ang isang single digit power rate na PhP 9.086/ kWh bilang resulta ng mahusay na kalakalan sa wholesale spot market at nagpapatuloy na mga negosasyon sa mga power
supplier. Upang mapanatili ang matatag na pagbaba ng power rates ay siniguro ni Martinez sa mga consumer na ang
kaniyang team, na may suporta ng national at provincial government ay gumagawa ng mga bagay upang makakuha ng suplay sa mas mababang presyo.

Nauna dito, pumasok ang INEC sa isang emergency power supply agreement sa Aboitiz Power upang i-lock down ang mga rate at suplay maaga sa pana-panahong pagtaas ng demand sa panahon ng holidays. Karamihan ng suplay ng power cooperative ay may locked-down rate na PhP6.65/ kWh mula sa AboitizPower para sa isang taon epektibo
noong Oktubre 2023.

(LA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon