BAGUIO CITY
Tumaas ng 4.6 percent ang inflation rate para sa buwan Hunyo 2024, ayon sa monthly report na inilabas ng Regional Statistical Services Office (RSSO) ng Philippine Statistic Authority- Cordillera Adminstrative Region. Ayon kay Aldrin Federico R. Bahit, Jr., Chief Statistical Specialist PSA-RSSO CAR, Statistical Operations and
Coordination Division ang rehiyon ay tumaas ang inflation rate sa produkto at serbisyo sa buwan ng Hunyo, kumpara sa nakaraang buwan May 2024 na may 4.4 percent at kumpara sa nakaraang taon Hunyo 2023 na may 3.2 percent.
Samantala ang average inflation naman mula noong Enero 2024 hanggang Hunyo 2024 ay naitala sa antas na 3.8
percent, na may major contributor sa inflation ay ang food and non-alcoholic bevarages tulad ng bigas, gulay at isda na may 6.7 percent at share na 51.9 percent. Dumagdag din sa pangunahing dahilan ang pagtaas ng housing at iba pang kailangan sa mga bahay tulad ng gas, rentals at electricity, at tubig na may 2.3 percent inflation rate at share na 12.8 percent, ganon din ang transport, tulad ng public transport at diesel ay may inflation rate na 6.0 percent at
share na 12.4 percent.
Para sa buwan ng Hunyo, nangunguna ang bigas na may 22.4 percent sa overall inflation in commodity na may share na 39.4 percent at sinundan ng public transport na may 11.8 percent, LPG na may 14.8 percent, Restaurants, café at iba na may 4.2 percent at panghuli ang primary education na 25.5 percent. Samantala ang probinsya ng Ifugao ang nagtala ng mas mataas na inflation rate ngayong Hunyo 2024 na 5.9 percent, kumpara noong nakaraang buwan ng Mayo na may 5.9 percent, at ang may pinakamababa na inflation rates ay ang probinsya ng Abra na may 3.8 percent kumpara sa Mayo 2024 na may 4.4 percent.
“Sa Cordillera, apat na probinsya at ang lungsod ng Baguio na may 4.1 percent, ay nagtala ng mas mabilis na inflation rate, kasama dito ang Benguet na may 5.2 percent, Ifugao na 5.9 percent, Kalinga 5.0 percent at Mountain Province na may 4.4 percent.” Ayon kay Bahit. “Samantala, dalawang probinsya ang nagtala ng mas mabagal na pagtaas ng inflation, ito ang Abra na may 3.8 percent at ang Apayao na may 3.9 percent, nitong Hunyo 2024.” “Para sa Cordillera Administrative Region ang P100.00 noong 2018 ay nagkakahalaga na ng P81.00 ngayong Hunyo2024.
Sa lahat ng probinsya at highly ubranize city dito sa Cordillera ay nanatili ang Baguio City na may pinakamataas na value ng piso, na masusukat na 0.83 centavos o 83 pesos,” dagdag pa ni Bahit. Samantala ang probinsya naman ng Mountain Province ang nagtala ng may pinakamababang piso na may P77.00 para sa isang daang piso noong 2018.
Ayon sa ilang estudyante, nahihirapan silang pagkasyahin ang allowance na dumarating sa kanila. Sinabi naman ni VJ, isang estudyante mula sa University of the Cordillera, na 15 days na lang ang inaabot ang kaniyang 20 days na allowance.
Samantala sinabi naman ni Perly na nahihirapan siyang pagkasyahin ang kanilang family monthly income lalo na
pagpapaaral ng kaniyang mga anak. Ang opinyon naman ng iba na naninirahan sa Baguio ay hindi na sila nakakabili ng iba nilang kailangan at nahihirapan silangmag-budget lalo na kapag limited lamang ang kanilang pondo.
Ma. Cristina Pendre/UC-Intern
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024