INFLUENZA-LIKE ILLNESSES PATULOY ANG PAGLOBO SA CORDILLERA

BAGUIO CITY

Iniulat ng Department of Health Cordillera Administrative Region (CAR) ang patuloy na paglobo sa kaso ng InfluenzaLike Illnesses sa Cordillera, dulot ng pabago-bago ng panahon. Ayon bagong tala ng DOHCAR nitong February 10, 2024, umabot na sa 1,893 kaso ng Influenza-like Illnesses sa buong rehiyon kumpara sa 796 na kaso noong Pebrero ng nakaraang taon. Isa sa mga sa nakararanas ng pabago-bagong panahon ngayon sa Cordillera ay ang lungsod ng Baguio.

“Hindi naman nakakatakot, you know it goes with the weather of course when it’s cold. You can get a lot of cough and colds, some pathogens around. You can have also allergic rhinitis you know allergic symptoms because of the weather. Ang daming pollens din na umiikot sa air,” pahayag ni Dra. Celia Flor Brillantes, ng City Health Services Office ng Baguio City. Base sa bagong ulat ng PAG-ASA, naitala ang pinaka mataas na temperatura ngayong taon sa lungsod noong Pebrero 19 ng Pebrero na pumalo sa 27 degrees.

“Ang nagdo-dominate na ngayon ay yong easterlies at yong mga localize thunderstorms,” pahayag ni Mar Joseph Santos, isang weather observer ng PAG-ASA Weather Station Baguio City. Sa ngayon ay hinihintay na lang ang pormal na anunsyo ng PAG-ASA sa pagtatapos ng northeast monsoon.

Princess Stephanie N. Buraga/UBIntern

Amianan Balita Ngayon