Ingay at Alingasngas

ANG DAPAT mangyari ay mangyayari, anuman ang naisin ng iba. Ito ang malinaw na nakikita ng mga dalubhasa, habang buong tahimi8k na ummusad ang galaw ng mundo tungo sa Araw ng Pag-ibig.

Aba eh, bakit nga naman palagi na lang tayong sinisindak nitong nakaraang mga lingo ng mga kaganapan na ang direksyon ay isang maluwalhating pagdiwang ng mga pusong kay tagal ng nalungmok sa hirap at pighati?

At nangyari na nga, ilang araw lamang ang inaasahan. Si Omicron, ang kanyang mga mutations, at maging ang mga naunang magulang, si Delta, si Gamma, si Beta at si Alpha, ay nakikitaan nang panghihina, batay na rin sa napagtantong mabulosok na pagdausdos ng mga kaso nito mga huling araw.

Kung ganito ang sitwasyon, hindi malayong sa Araw mismo ng mga Puso, ay buong pusong ibababa ang Alert Level status ng Baguio at Benguet mula sa mataas na bahagdan na 3 hanggang sa mas maluwag na estado ng 2. Ang ibig sabihin, sa ayaw o kagustuhan ni Omicron, kumusta ka na New Normal handa ka na ba?

Eh kung ganito nga naman na halos ay pinagod natin si Omicron sa kanyang byaheng katawan ng tao, talon at liksi ang gami, pati na rin ang mala-kisap-matang hagibis, aba eh bukas makalawa, Alert Level Two na tao. Pwede ng dagdagan ang pasaherong makauupo sa pwestong 2 taon ding binakante ng covid.

Pwede ng dagdagan ang mga kakain sa restoran, hindi na pangdalawahan lamang na playing footsie-tootsie sa ilalim ng mesa. Pwede ng dagdagan ang hanay ng mga nagtratrabaho — bawasan na ang work-from-home — upang mabilisang lumuwag ang ekonomiyang idinapa ni covid.

Alam na alam natin ang mga nangyari. Trabahong naglaho. Kitang hindi na nakita. Hanap-buhay na palaging nasa hanap ng walang kabuhaybuhay. Mga kamag-anak na nagka-covid, naospital, gumaling, muling nadapuan.

Ang iba naming malala pala ang comorbidity, ayun hindi man lamang nakitang nabigyang ng pagpapahalaga ng lamay at dusa, at dagliang isinalang sa crematorium.

Ngunit, nitong nakaraang mga araw, tila bituing kumukutitap ang pagbulusok ng mga kasong covid pababa ng pababa, hanggang buong pagmamalaking inihahayag nang mga eksperto na hindi aabutin ang Marso ay tuluyan na nating haharapin ang bagong bukas, ang bagong umagang babalangkas sa isang Bagong Normal.

Teka, teka, baka naman, sa ating galak at saya, ay daglian din nating bibitawan ang halos ay 2 taon ng pag-iingat sa ating pangangatawan. Buong liksi na nating tatahakin ang landas ng kapabayaan at pag-basura sa anumang mga paraan upang maging covid-free.

Beware of the 4th wave, ang sabi ng mga Ingleserang antas bilang pangunahing babala na huwag isantabi ang mga kaugaliang nagging dahilang ng ating kaligtasan.

Naranasan na natin ng biglang sumipa ang mga kaso sa pagdating ni Delta noong Setyembre. Naraanan din natin ang bagsik at bigwas ni Omicron, bagama’t tila mild to moderate lamang ang kanyang ngitngit.

Amianan Balita Ngayon