NGAYONG halos nasa kalagitnaan na ang buwan ng Mayo, mukhang kakaiba ang dating sa ating buhay. Ang madalas ay ang tag-tuyot na patuloy na nananalasa. Init ng panahon ay patuloy. Humahampas, nanunuot. Amo nga naman ang kalidad ng bagong buwan? Nitong mga huling araw ng Linggo, patuloy ang lampasbubong na kainitan. Patuloy tayong binabalot ng maimpyernong init na ngayon lang natin nararamdaman. Nitong Webes at Byernes
nga, halos mala-pwesta ang reaksyon ng sambayanan. Biglang bumuhos ang ulan. Bakit daw ba? Meron bang
nagkantahan ng wala sa tono? Meron bang sabay-sabay at sama-sama pumahimpapawid ang mga tinig upang bumunghalit ng ilang pyesa ng pagkanta?
May dahilan kung bakit marami ang halos mag-sayawan sa tuwa habang tinatanggap ang mga tikatik ng mga patak
na hulog ng langit. Kung noon ay agam-agam ang inihiyaw sa mga weather forecast na uulan sa Mayo, ngayon nga ay buong katuwaan ang kanilang naibunghalit. Hindi maikakaila ang agam-agam na maiibsan ang Mayo ng mga biglaan ulan, at dito nga sa Baguio, ang ipinagbbubunying pagbaba ng temperature na halos ay impyerno sa init sa kapatagan. Kasi nga naman, Pebrero pa lang, para na tayong naisumpa na ibabalot sa init. Sa mga nakaraang buwan ng Marso at Abril, naging lampas-bubong na ang init sa araw-araw, lalo pa’t taon-taon ay kumakaunti ang mga punong pampalamig sa klimang nararanasan.
Ang sabi nga ay kung ngayon pa lang, na nagsisimula pa lamang ang tag-init, lalo pa daw sa mga susunod na araw. Na kung saan, sagad hanggang buto-buto ang init sa maghapon at magdamag,? Kung ngayon pa lang, pumapalo sa 44 hanggang 48 C egrees ang temperature, ano pa kaya daw kapag nakaabot na saa 50 C degrees na.? Ito ang mga nakababaliw na pamahiin ng panahon, na ang tag-tuyot ay magdudulot ng ibayong init na hindi pa kailanman naranasan. Maaalala pa ba ang mga pawis natin hindi lang tumatagtak. Umaagos na. Mga pawis natin, hindi na
patak-patak. Buo-buo na. Hindi parang luha, kundi parang agos na may hapding iniiwan sa katawan.
Hindi ba’t narinig natin ang hinaing sa bawat araw ng nagdaang mga buwan, na para na tayong nilublob sa kumukulong langis? Ganyan ang malawakang karanasan na ang init ay, lampas-langit, na ang tag-init ay mistulang
napakuluan sa magdamag. Kaya naman, sa mga sumunod na buwan hanggan ngayon, walang pag-asa na maaasahan na bababa na parang elevator ang temperature. Lubhang tumataas ang temperatura saan man bumaling. Sa ilang dako ng Pilipinas, umaabot ang heat index ng lampas 45 degrees C, palatandaan na ang tagtuyot ay patuly na iiral ng walang gaanong pagbabago baguhin man ang araw, lingo at buwan.
Ito ang panahon ng tagtuyot, at sabi nga ng Pag-Asa, walang pag-asang magbabago sa susunod na buwan. Pinapalad pa rin tayong mga taga-Baguio. Ang lungsod ay may mga gubat na yumayakap sa Central Business District. Ang mga
puno ay tila mga bantaykalikasan na nagsisilbing ugat ng hanging pumapawi sa init ng maghapon. Kung hindi sana
nabawasan ng walang puknat na pagputol ng mga puno, lalo at higit ang pine tree, lalo sigurop tayong nasa klima ng
tag-init na medyo may lamig. Katangi-tangi ang ating lungsod. Binalangkas at binuo upang magsilbing mapang-akit na gayuma sa mga nasa ibaba nito. Kahit ngayong panahon ng tag-init, ang nararamdaman ay mahinahong init na kaya pang indahin at salagin, anumang oras, maski sa kataasan ng araw.
Kapag kalagitnaan naman ng maghapon, ay may ulang tila nagpumiglas upang busugin ang lupang bumibiyak sa
matinding sikat ng araw. Hindi gaanong malakas, pero sapat na upang madiligan ang natutuyuang lupa. Ang mga
patak ng ulan, hindi man hinlalaki ng daliri, tamang-tama lang upang kahit papaano ang lupang nagbibiyakan na sa tindi ng panahon ay unti-unting nagkakaroon ng panibagong buhay at sigla. Ngayong Mayo na, halos kalagitnaan nan g buwan, ating naranasan na ang panahon ay hindi gaanong nakakapinsala at nananalasa. Ngayong Mayo na,
ating ramdam ang tila humahaplos na ganda at gayuma ng Baguio. Hindi tulad sa kapatagan, laging bukang-bibig ang mga sakit dala ng pagkakatuyo ng katawan.
Kaya naman, ang mga naiinitan, kaliwa’t kanan ang mga ginagawa upang kahit papaano, maibsan ng ilang bahagdan ang init sa katawan. Heat Index ang tawag doon, isang pamantayan ng pagsukat ng init ng katawan. Kaya naman, dapat hindi pinababayaan na matuyuan ang katawan. Iwas heat exhaustion. Iwas heat stress. Iwas heat stroke. Laging uminom ng tubig. Bigyang panlamig ang katawang hindi dapat maagnas sa init ng panahon. Ibang klase naman ang pamatay-init sa ilan. Magpalamig, huwag lamang manlamig.
Pasensyahan na natin, kasi tila napag-iwanan sya ng buwan. Akala yata, Pebrero pa rin. Buwan ng pagmamahal, Hindi na init ang inaasam, kundi alab. Lulunurin ng alab ang init na humulagpos sa bawat araw. Paano na kung ang init ng magdamag ay hindi na matiis at ang buhay ng gabi ay inaalisan ng init ng buhay para magkabuhay ang nakahimlay sa laylayan ng tagtuyot?
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 5, 2024