Inspeksiyon isinasagawa upang masiguro ang pagsunod sa protocol

Metro BLISTT

LUNGSOD NG BAGUIO – Isinasagawa ang mga surprise inspection sa mga establisimiyento dito upang matiyak ang pagsunod sa Alert Level 3 restrictions.

Sinabi ni City Permits and Licensing Division Chief Allan Abayao na nasa 41 establisimiyento – mga restaurants, bangko, mga salon at drug stores – ang sumailalim sa random checks ngayong linggo sa kanilang pagsunod sa mga probisyon ng Executive OrderNo. 5-2022 na naglalagay ng isang limitasyon ng customer capacities ng iba’tibang industriya.

Halimbawa, para sa food and beverage retail establishments na may dine-in services, hanggang 30 porsiyento lamang ang ipinatupad para sa indoor setting para sa fully vaccinated na tao lamang at 50 porsiyento para sa outdoor.

And mga napatunayang hindi sumusunod ay maiisyuhan ng notices of violation (NOV) at warning. Kasama sa mga parusa ay ang pagpapawalang-bisa ng safety seal certification.

Sinabi ni MayorMagalong na ang mga nasabing establisimiyento ay kinakailangang mahigpit na sinusunod ang mga protocol upang makatulong na pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga customer sa gitna ng panibagong daluyong ng mga kaso ng Coronavirus disease (COVID-19) na pinapaniwalaang dala ng mas nakahahawang Omicron variant.

“We need to cooperate and help each other to arrest this new surge because it will affect not only the health of residents but also the state of the city’s economy,” aniya.

(APR-PIO/PMCJr.-ABN)