Isa pang lalaki, patay sa pananaksak sa Baguio

Patay sa saksak ang isang lalaki bandang 10:50pm ng August 22. Natagpuan itong nakahandusay sa gilid ng kalsada sa Sariling Sikap, Purok 21, San Carlos Heights, Irisan Brgy., Baguio City.
Kinilala ng biktima na si Harold Gideon Madarang Chomacog, 47 anyos, land surveyor at residente ng Purok 1, Victoria Village Brgy., ng nasabing lungsod.
Sa panayam kay Jackie Sabdoy, 23 anyos, residente ng Crystal Cave, inihayag nito na minamaneho niya ang kaniyang L300 van at binabagtas ang daan ng Sariling Sikap nang mapansin niya ang katawan ng isang lalaki na nakahandusay sa gilid ng kalsada kung kaya nilapitan nila ng kaniyang kasama na si Rogelio Sibagan Oticao nang napansin nito ang saksak sa katawan ng biktima.
Agad nilang dinala ang biktima sa BGHMC para sa agarang lunas subalit idineklara ng attending physician na Dr. Oscar Halom na ang biktima ay dead on arrival. Nagtamo ang biktima ng dalawang saksak, isa sa dibdib at isa sa kaliwang braso. Ang mga personal na gamit ng biktima ay buo pa rin. Ang kaso ay iniimbestigahan.

Amianan Balita Ngayon