Isa pang lider ng rebeldeng New People’s Army sa rehiyon ng Cagayan Valley ang sumuko sa mga tropa ng gobyerno sa Isabela. Kinilala lamang ng militar ang nasabing lider ng rebelde na si “Ka Marlboro” at “Ka Popoy” na nasa 40 ang edad at isang squad leader ng 1st Squad ng Sentro Grabidad Unit, Central Front ng Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley.
Ang lider ng rebelde ayon sa Northern Luzon Command ng militar ay nagdesisyon na tumakas noong Nobyembre 11 dahil sa mga hirap sa loob ng rebeldeng armadong pagkilos at sa huli ay nagdesisyon na mamuhay ng mapayapa kasama ang kaniyang pamilya.
Si “Ka Marlboro” ay napaulat na may apat na anak. Sinabi ng Northern Luzon Command ng militar na mainit na tinanggap muli ng mga sundalo ng 95th Infantry Battalion ng Philippine Army, San Mariano Police, Isabela Police Mobile Forces ang 40 anyos na lider ng rebelde sa panig ng gobyerno. Dala niya sa pagsuko ang dalawang (2) Bushmaster 5.56 rifles, walong mahabang magazines, apat na short magazines, 230 mga bala, isang baofeng handheld radio at ammunitions bandoleer.
Idinagdag ni Lt. Col. Gladius Calilan, commander ng 95th Infantry Battalion na maliban sa mga bagay na dala ni “Ka Marlboro” ay ipinasakamay din niya ang apat na improvised explosive devices, dalawang blasting caps, 30-meter detonating cord, isang external hard drive at rebel material na may high intelligence value na pansamantalang nakatago sa kaniyang bahay.
“(Rebel) strength in the 5ID AOR is continuously dropping due to the ceaseless hot pursuit operations conducted by the joint AFP-PNP troops to the rebel-affected barangays in Isabela. With the support of all the stakeholders and the Isabeleòos as a whole, the rebels can no longer establish a strong point of defense and is slowly taken down by the government troops,” magalak na sinabi ni Major General Pablo Lorenzo, commander of the 5th Infantry Division.
AAD/PMCJr.-ABN
November 25, 2019
November 25, 2019
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025