Isa sa 10 most wanted sa Ifugao, nahuli

 
Nahuli ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Ifugao sa tulong ng munisipalidad ng Alfonso Lista at Kiangan police station ang kabilang sa listahan ng 10 most wanted ng probinsiya noong Pebrero 3, 2017 dakong 6:30 ng umaga sa Sitio Sabilan, Sta. Maria, Ifugao.
Ang suspek na kinilalang si Henny Lagmay Lumaig ay nahuli sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Rufus Malecdan Jr. ng RTC Branch 15, Aldonso Lista, Ifugao sa kasong attempted murder at may inirekomendang piyansa na P120,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Ang kaso ay nagsimula sa hindi pagkakaunawan sa lupa na humantong sa pagpapaputok ng baril ng mga kasamahan ng suspek na magsasakang tauhan din sa rancho.
Ayon kay Police Chief Inspector Kenneth Pugong, provincial officer ng Ifugao, tatlo silang akusado. Aniya, ang isang kasamahan nila ang mismong sumuko sa CIDG-Ifugao at ang isa naman ay pinaghahanap pa. Rica Gil, UB Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon