ISANG GABAY O PAYO SA MGA KAPATID NA MUSLIM PARA SA TAMANG PAGPILI NG LIDER SA NALALAPIT NA HALALAN (PART 2)

4- PAGKILALA SA K A N Y A N G KASAYSAYAN AT UMUKIT SA KANYANG PAMAMALAKAD BILANG ISANG PUBLIC SERVANT Hindi lamang ang plataporma ang dapat pagtuunan ng pansin, kundi pati na rin ang kanyang
nakaraang kasaysayan bilang pamumuno sa isang syudad . Kung sila ay may mga naunang posisyon sa gobyerno, ano ang kanilang mga nagawa at naipakita? Mayroon ba silang mga proyekto na nakinabang ang komunidad?

Pagkilala sa mga Nakaraang Tagumpay: Ang mga lider na may track record ng mga matagumpay na proyekto, tulad ng pagpapabuti sa imprastruktura, edukasyon, o kalusugan, ay may kredibilidad sa kanilang mga pangako. Pag-iwas sa Katiwalian: Ang mga kandidato na may kasaysayan ng katiwalian o hindi tamang pamamahala ay dapat iwasan. Ang pagkakaroon ng integridad at hindi pagkakaroon ng mga kasong legal ay isang mahalagang tanda ng isang
lider na may malasakit at tapat sa kapakanan ng mamamayan.

5- PATAS SA MGA ISYU NG HINDI PAGKAKA-UNAWAAN Bigyan pansin ang mga ibat ibang rilihiyon at kultura
Mahalaga na ang lider na pipiliin ay may kakayahan magtaguyod ng pagkakaisa at respeto sa lahat ng komunidad
o rilihiyon – Pagtutok sa Pagkakaisa: Ang isang lider ay hindi lamang dapat magtaguyod ng mga proyekto para sa isang sektor, kundi magsulong ng pagkakaisa sa lahat ng mga komunidad. Dapat niyang tiyakin na ang bawat
mamamayan, anuman ang relihiyon o kultura, ay may pantay-pantay na pagkakataon. Paggalang sa mga Tradisyon at Paniniwala: Ang paggalang sa mga lokal na tradisyon at paniniwala ay isang mahalagang aspeto ng pamumuno ng isang lider . Dapat isaalang-alang ng kandidato ang mga aspeto ng buhay ng mga mamamayan, kabilang ang relihiyon, kultura.

6- ANG PAPIL NG MAMAMAYAN SA PAG-HUSGA NG NAPILING LIDER Tayong lahat ay may kakayahang pumili ng isang lider na siya ang bumabagay sa ating hinaharap at alisin natin sa ating kaisipan ( MENTALITY ) ang
kasabihan na nasa huli ang pagsisisi oras na tayo ay pumili ng ating kandidato – Ang pagpili ng tamang lider sa nalalapit na elections ay isang hakbang patungo sa mas maliwanag at makatarungang hinaharap para sa isang syudad o rihiyon Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri sa mga katangian, plataporma, track record, at integridad ng mga kandidato, ang mga botante ay magkakaroon ng pagkakataon na makapagdesisyon ng tama. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tamang lider .

Amianan Balita Ngayon