ISANG GABAY O PAYO SA MGA KAPATID NA MUSLIM PARA SA TAMANG PAGPILI NG LIDER SA NALALAPIT NA HALALAN

Ang nalalapit na halalan ay isang mahalagang pagkakataon para sa mga mamamayan na makapagdesisyon ukol sa kanilang hinaharap. kaya’t ang pagpili ng tamang lider ay isang hakbang patungo sa mas makatarungan, mas maayos, kaya Mahalaga ang bawat boto, kaya’t kailangan sa bawat botante ay maging mapanuri at responsable sa
kanilang mga desisyon.

1-MAKA-DIYOS
2- PAGKILALA SA MGA KATANGIAN NG ISANG MAGANDANG LIDER
3 – PAGKILALA SA PLATAPORMA AT MGA PANGAKO NG KANDIDATO
4- PAGKILALA SA KASAYSAYAN AT TRACK RECORD NG MGA KANDIDATO
5 – PAGTIMBANG SA MGA ISYU NG PAGKAKAISA AT PAGGALANG SA MGA KULTURA
6 – ANG PAPEL NG MAMAMAYAN SA PAGHUHUSGA NG TAMANG LIDER

1- MAKADIYOS :
Ang isang lider ay dapat maka-diyos , ito ang pangunahin dapat ipili sa mga kandidato : – magaan para sa kanya
anoman ang resulta ng halalan , pinaladman o hindi at buong puso niya ito matatanggap dahil malinaw sa kanyang isipan ang takda ng maluwalhating panginoon … Sinabi ng allah sa banal na qur’an Say: ‘O Allah, Owner of the Kingdom. You give the kingdom to whom You will, and take it away from whom You will, You exalt whom You will and abase whom You will. In Your Hand is good, You have power over all things. – ang maka-diyos na pinuno ay kanyang pinoprotiktahan ang mga ibat ibang rilihiyon o pananampalataya na kanyang mga nasasakupan – ang pagiging maka-diyos ng isang lider ay magbubunga ng napakaraming kabutihan .

2 – PAGKILALA SA MGA KATANGIAN NG ISANG MAGANDANG LIDER
Bago magdesisyon, mahalaga munang isaalang-alang ang mga pangunahing katangian na dapat taglayin ng isang lider – Malasakit sa Mamamayan: Ang isang lider na may malasakit sa kanyang mga kababayan ay magsisilbing tagapagtanggol ng kanilang mga karapatan at kapakanan. Dapat niyang isaalang-alang ang mga pangangailangan ng bawat sektor, kabila na rito ang mga kabataan, kababaihan, at mga manggagawa at sa lahat ng antas ng mamamayan ng kanyang kinasasakupan – Kakayahang Pamunuan at Magbigay ng Direksyon: Ang isang lider ay kailangang may kakayahan sa pamamahala at pagpapasya.

kaya’t ang isang lider na may malinaw na pananaw at konkretong plano para sa kapayapaan, edukasyon, kalusugan, at pag-unlad ng ekonomiya ay isang malaking benepisyo para sa taong bayan . – Integridad at Katapatan: Mahalaga , ang mga kandidato ay may malinis na rekord at mayroong tapat na layunin. Ang lider na walang katiwalian at hindi
makikinabang sa kapangyarihan ay magsisilbing tunay na tagapagsulong ng pagbabago. – Pagpapahalaga sa Kapayapaan at Seguridad: Kaya’t isang mahalagang katangian ng lider ay ang may kakayahang magsulong ng mga hakbang para sa pangmatagalang kapayapaan sa pamamagitan ng makatarungang negosasyon at walang pabor sa mga mamamayan .

3 – Pagkilala sa Plataporma at mga Pangako ng Kandidato

Upang makapagdesisyon nang tama, kailangang pagtuunan ng pansin ang plataporma ng mga kandidato. Ano ang kanilang mga pangunahing plano para sa kanilang syudad? Ano ang kanilang mga solusyon sa mga pangunahing isyu ng syudad ? – Pag-unlad ng Ekonomiya: Ang isang lider ay dapat may konkretong plano para sa pagpapalago ng ekonomiya ng rehiyon. Dapat nilang ipakita kung paano nila susuportahan ang mga lokal na industriya tulad ng
agrikultura, negosyo, at turismo. Ang paglikha ng mga trabaho at pagpapalakas ng ekonomiya ay magdudulot ng mas mataas na kalidad ng buhay para sa mga residente.

– Pag-unlad ng Ekonomiya: Ang isang lider ay dapat may konkretong plano para sa pagpapalago ng ekonomiya ng syudad. Dapat nilang ipakita kung paano nila susuportahan ang mga lokal na industriya tulad ng agrikultura, negosyo, at turismo. Ang paglikha ng mga trabaho at pagpapalakas ng ekonomiya ay magdudulot ng mas mataas na kalidad ng buhay para sa mga residente. – Serbisyong Pangkalusugan at Edukasyon: Dapat may malinaw na plano ang mga kandidato para mapabuti ang mga serbisyong pangkalusugan at edukasyon. Mahalaga ang access sa mga serbisyong ito upang mapabuti ang kalusugan at magbigay ng magandang oportunidad sa kabataan.

Abangan ang karugtong / ni imam sam monib

Amianan Balita Ngayon