Isa na namang pamilya ang nabigyan ng lubos na kasiyahan matapos ang isinagawang groundbreaking ceremony sa pamilyang Roldan noong February 12, 2017 na ginanap sa Evangelista Street, Leonila Hill, Baguio City.
Dahil sa tiwala at maaasahan ang grupo ng Casa Infini team ay madali lang naisakatuparan ang pangarap ng isang pamilya.
Sa panayam ng Amianan Balita Ngayon kay Jennlyn de los Santos, CEO/general manager ng Casa Infini, Builders & Realty Co. Ltd., “Sa tulong ng Casa Infini builders team meron kami tinatawag na online specialist system. Sa pamamagitan nito ay nakipag-transact si Nestor Roldan kay agent Jayson Cacayuran at inilapit sa akin ang nais nilang modernong bahay sa abot ng kanilang makakaya. Ipinakita ko ang kanilang pagpipilian at sandali lang ay may nagustuhan agad sila na dito ay ginawan agad natin ng paraan sa tulong na rin ng kapartner natin na bangko ay madali lang ang naging proseso sa apat na buwan lang ay inayos natin lahat ng papeles. Binili namin itong lupa nila at dito na patatayuan ng bahay, ngayon saksi ng kanilang mga anak na narito ngayon ay isinagawa natin ang ribbon cutting, presenting the floor plan na may 105 square meters at ang floor area ay 100 sq/m two storey at modern ang disenyo, presenting the key, presenting the shovel, presenting the tree at naging saksi rin dito si Architect Madonna Tadeo at ilang media na kasalo natin ngayon.”
“Nais kong iparating sa mga kababayan natin na wala pang sariling bahay at pangarap magkabahay ay huwag kayong magdadalawang isip na hindi posible na magkabahay ka. Ito na ang tamang panahon para sa iyo, sa pamamagitan ng inyong pagsisikap at nakakapag-ipon kayo ng maayos na may marangal na hanap-buhay ay madali niyo makakamit ang inyong pangarap na magkabahay dahil matutulungan namin kayo at mapag-uusapan natin nang maayos na hindi tayo magkaka-problema,” ani De los Santos.
“Kailangan namin ang tiwala niyo at kailangan niyo rin ang pagtitiwala sa amin na bumubuo ng Casa Infini Builders team,” aniya. ABN
February 18, 2017
February 18, 2017
December 2, 2023
December 2, 2023
December 2, 2023
December 2, 2023
December 2, 2023
December 2, 2023