Isyu sa inapurang e-bingo, sinisiyasat muli

Jun 25, 2017

Tinutugunan ngayon ng pamahalaang lokal ang mga pagdududa ng mga umaalma sa pagsusugal bunsod ng tila minadaling pag-apruba sa mga electronic bingo gaming sites, na dahilan upang tagurian ang lungsod bilang “electronic and traditional bingo capital”.
Ang konseho ng lungsod, na noong una ay sumang-ayon sa aplikasyon ng mga e-bingo, kamakailan ay bumuo ng komite sa pangunguna ni Councilor Elaine Sembrano upang makuha ang pahintulot ng mga residente.
Ito ay matapos na pangunahan ni Councilor Mylen Yaranon ang pagtutol sa mga naunang pag-apruba sa e-bingo sites. “You only considered one side of the coin in your decision,” aniya sa 14 miyembro ng konseho na tumango sa mga aplikasyon ng e-bingo.
Ayon kay Councilor Sembrano, napag-alaman na walang isinagawang public consultation nang inaprubahan ang mga e-bingo.
Usap-usapan din ang diumano ay “padulas” para sa city council kaugnay ng pag-apruba sa mga gaming site.
Ang mga anti-gambling groups na kinabibilangan ni Catholic Vicar Carlito Cenzon na nangunguna sa sektor ng edukasyon, relihiyon, kababaihan at kabataan sa lungsod ay maigting sa pagtanggi sa anumang klase ng pagsusugal, legal man o hindi.
Sa city council session noong Hunyo 19 ay dumagsa ang anti-gambling advocates upang tuligsain ang pag-apruba ng konseho sa naturang gaming sites. Hiniling ni Yaranon ang pagsusuri sa mga naunang city council approvals kaugnay nito.
Tinuligsa rin ni Yaranon ang pag-apruba sa hiling ng Bingo Palace Corporation na naiulat na pag-aari ng isang Jimmy Ong, para magpatakbo ng bagong e-bingo outlet sa Albergo Hotel, ilang metro lamang mula sa The Mansion, kung saan iaalok ang electronic at traditional games gaya rin ng hiling ng Highland Gaming Corporation na ipagpatuloy na patakbuhin ang traditional bingo games sa upper basement ng SM City Baguio at Baguio Center Mall.
Ayon kay Yaranon, “the request of e-bingo proponents were submitted on May 26 (a Friday) and was taken up in other matters on May 29, (council session on a Monday).  Other matters are only allowed if it is urgent and important.”
Si Councilor Peter Fianza lamang ang nagbigay ng objection habang si Councilor Robert Ortega ay naka-leave, kaya hindi kasali ang mga ito sa unanimous decision, maging si Yaranon na wala rin dahil sa libing ng kanyang ama na si dating Mayor Braulio Yaranon noong Mayo 29.
Giit ni Yaranon, “financial problems arise to an addicted gambler because of indebtedness to many loan sharks of financial institutions. Personal and real properties are lost because of gambling. This is one reason of bankruptcy and broken families.”
Ang mga sites ng e-bingo games sa lungsod ay malapit sa mga simbahan, paaralan at market gaya ng St. Joseph Church, Little Flower Retreat House, Dr. Jose P. Rizal Elementary School, at Pacdal Satellite Market, na pawang nasa loob ng 300 metro mula sa Albergo Hotel.
Ang Our Lady of Atonement Cathedral ay nasa 300 metro din mula sa SM Baguio.
Ang Baguio Public Market, Saint Louis University at University of Baguio ay pawang nasa loob ng 300 metro mula sa Baguio Center Mall.
Nauna nang sinabi ng PAGCOR sa mga opisyal ng lungsod na hinihintay lamang nila ang pagtutol mula sa mga opisyal kaugnay ng electronic bingo outlets sa lungsod, na kinabibilangan ng gaming site sa Marcos Highway, upang bawiin ng ahensya ang permiso na ibinigay sa operasyon ng mga naturang gambling outlets. ACE ALEGRE / ABN

RELATED POSTS

COURTESY CALL

COURTESY CALL

Hon. Jose Warren P. Villa, Vice Mayor San Juan City, Metro Manila paid a courtesy call to Baguio City acting Mayor Faustino A. Olowan at...

URBAN SKETCHING

URBAN SKETCHING

The two artists in the Session: SketchTour of Baguio on September 30 are Aurelio Castro III, sitting and sketching, in conversation with...

PART AT YOUR OWN RISK

PART AT YOUR OWN RISK

-diggings of sewerage projects along Kisad Road cause traffic problems to motorists due lack of road signs Carlos C. Meneses/ABN

AMIANAN POLICE PATROL

4 police commissioned officers nakakuha ng mataas na posisyon sa PROCOR BAGUIO CITY – Apat na police commissioned assumed key positions at...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest