Itogon nais gamitin ang buwis ng mga kompanya sa pagtugon sa COVID-19

ITOGON, Benguet – Inulit ni Mayor Victorio Palangdan ng bayan ng Itogon sa Benguet ang kaniyang pakiusap na gamitin ang national wealth tax na nagmumula sa mga kompanya na gumagamit ng water resources bilang coronavirus disease (Covid-19) response fund.

Sa isang panayam noong Martes ay sinabi ni Palangdan na sumulat sila sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na ikatawan sila sa Department of Energy (DOE) at payagan ang mining towns gaya nila na gamitin ang hindi nagugugol na halaga mula sa national wealth tax na inireremit ng mga kompanya sa DOE.

“We requested DILG Secretary [Eduardo] Año to use a portion of the unexpended 80 percent of the revenues derived from the development and utilization of our national wealth on water resources of the municipality to be used for Covid-19-related expenses,” aniya.

Sinabi niya na ito ay halos PhP20 milyon, na malayo ang mararating sa pagtugon sa mga epekto ng pandemya sa kaniyang mga nasasakupan.

“We can make use of it, but it has to be released by the DOE,” pahayag niya. Sinabi niya na nagamit na ng husto ng Itogon ang disaster risk reduction fund nito, kasama ang isang-buwan na internal revenue allotment “Bayanihan” fund assistance ng national government sa local government units.

Sinabi ni Palangdan na ang Itogon ay di-pangkaraniwang sitwasyon dahil tinamaan ng sunodsunod na malalaking kalamidad at kailangan pang akabawi mula sa mga sakunang ito.

“Our people have not yet recovered from the devastation brought by typhoon ‘Ompong’ in 2018 and we have Covid again. Hindi pa ho nakapag simulang makabalik sa trabaho, ito na naman,” ani Palangdan.

Ang bayan ng Itogon ay lubhang tinamaan ng super-bagyong “Ompong” (Mangkhut), na nagiwan ng mahigit isandaang namatay na tao.

Nag-isyu rin ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng isang sease and desist order (CDO) para sa small-scale mining at kaugnay na mga aktibidad sa buong rehiyon na nag-iwan sa libo-libong tao na nawalan ng trabaho sa Itogon hanggang ngayon.

“Itogon suffered the most,” ani Palangdan, na binigyan-diin na 80 porsiyento ng kaniyang nasasakupan ay nananatiling walang trabaho dahil sa small-scale mining operations noong 2018.

Mayroong 59,000 populasyon ang munisipalidad.

Sinabi niya na humiling sila ng 19,000 slots para sa Social Amelioration Program ngunit nabigyan lamang ng 6,628.

LA-PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon