JOURNALISM SEMINAR, DINALUHAN NG MGA INTERNS

BAGUIO CITY

Dinaluhan ng mga Intern galing sa iba’t ibang media publication ang Journalism seminar ukol sa Fact Checking sa IP Center, Baguio City, noong Abril 15. Pinalawak ng seminar para sa kaalaman sa fact checking lalo na sa mga estudyanteng nageensayo sa mga media publications. Ayon kay speaker Marjohara Tucay ng Altermidya,”ang goal natin ay dumami ang fact–checkers, na ma-encourage lalo na ang mga kabataan na mag fact check and go beyond fact checking”.

Binigyang diin din ni Marjohara na isa pang layunin nito ay upang ipakilala kung ano ang role ng journalism sa komunidad. Ilan sa mga dumalo ng seminar na ito ay ang mga interns ng Amianan Balita Ngayon, Northern Dispatch at Baguio Chronicles galing sa University of Baguio at University of the Philippines Baguio. Dagdag pa ni Marjohara meron pang mga trainings patungkol sa iba’t ibang aspeto tulad ng data analysis at video production. Para sa mga interesado sa darating na trainings and events ay maaari lamang kontakin ang Northern Dispatch sa iba mga pang detalye.

Paolo Felipe-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon