KAALAMAN, TALENTO SA PAGIGING MEDIC, IPINAMALAS NG RED CROSS YOUTH

BAGUIO CITY

Nagbantay-kalusugan ang Red Cross Youth na nagpamalas ng kanilang kaalaman at talent para
makapag-serbisyo sa publiko sa isinagawang Youth Peace sa Malcom Square,Baguio City,noong Marso 29. Nakipagtulungan ang Youth Peace sa Red Cross Youth ng Local Youth Development
Council at sila ang kumakatawan upang maging medic o first aid station na naka-pwesto sa tabi
ng head statue sa Malcom Square. Ang Red Cross Youth ay isa sa anim na pangunahing serbisyo ng Philippine Red Cross.

Ang misyon nito ay turuan at bigyan ng kaalaman ang mga bata at kabataan sa pamamagitan ng nakabubuo na pagsasanay at epektibong pamumuno. Apat na senior high ang nag-boluntaryo mula sa Baguio City National Science Highschool at Baguio Central University incorporated senior high schools. Napili sila upang magkaroon ng kaalaman at isang magandang ehersisyo o pagsasanay para sa hinaharap na magaganap na trahedya.

Tinatayang 20 katao ang nagpasuri ng kanilang nararamdaman habang nagaganap ang Youth Peace na event. Karamihan ay nagp-konsulta ng kanilang Blood Pressure at nagkaroon ng isang case ng pagkahilo marahil sa hindi pagkain ng tama at sa init ng panahon. “Since summer ngayon, be hydrated as much as possible magbaon ng water everytime na lalabas sila, especially kung alam nilang madami silang gagawin ngayon even elderlies natin at buntis po kailangan hydrated sila. Pati po sa clothing wear light lalo na sa umaga sobrang init po.” payo ni Vina Vanica Asuncion, isang chapter service representative ng Red Cross Youth.

Francis Jay C. Alipio – UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon