Kababaihan lamang sa botohan

Nasa kamay ngayon ng mga kababaihang botante ang magiging kapalaran ng isang kandidato sa darating na halalan sa Mayo 9,2022 sa siyudad ng Baguio.

Lumitaw kasi sa datos ng Comelec-Baguio sa katatapos na registration of voters noong Oktubre 30, ang registered voters natin ngayon ay 168,435 para sa 2022 election, kumpara noong 2019 election na 164,125.

Bale 4,310 ang nadagdag at sa kabuuang bilang ay malaki ang lamang ng kababaihang botante na 93,239, kumpara sa kalalakihan na 75,196.

“The women will decide the winning candidate if it will be based on the voting population,”ika nga ni Atty.John Paul Martin, na gaya noong 2019 ay lamang din kababaihan na botante. Noong 2019 election, nasa 113,899 lamang ang bumoto mula sa kabuuang bilang na 164,435 at mula sa nasabing bilang ay 63,022 ang kababaihang botante, samantalang 50,877 ang kalalakihan.

Ayon kay Martin mababa ang turn-out ng votes noong nakaraang election, kaya hinihikayat nila ang lahat ng mga botante, lalo na ang mga
youth voters na bumoto sa darating eleksyon.

Kaya huwag kayong magtaka kung itong mga kandidato natin ay todo ang kampanya sa mga kababaihang botante, dahil kung makakasolid nga naman sila ay sigurado na ang panalo.

Goodluck na lang. Clash of clans Ngayong panahon ng halalan, isaalang-alang naman sana ng mga botante ang mga mabuting nagawa ng pulitiko, HINDI makikinig sa mga paninira ng mga katunggali nito. Ang eleksyon ay hindi naman labanan ng siraan,kundi ito ay labanan kung ano ang nagawa ng isang pulitiko sa panahon ng kanyang panunugkulan.

Dahil sa ‘substitution’, nagulantang ang mga residente at botante sa lalawigan ng Abra, dahil hindi inakala siguro ng mga incumbent sa mataas na position ay wala na silang makakalaban sa eleksyon.

Sa pinaiiral na withdrawals at substitution, nagkaroon ng magandang laban sa pulitika sa Abra, mula sa mga ‘comeback’ politicians na muling makakaharap ng mga incumbent officials.

Apat na labanan sa pagka- Gobernador sa pagitan nina dating Governor Takit Bersamin, Xandro Cariño, Derdrey Luna-Ifurong at Bangued Mayor Dominic Valera.

Sa pagka-Bise Gobernador ay three corner fight sa pagitan nina incumbent Gov.Joy Bernos, Chari Bersamin at Roger Luna.

At sa capital town ng Bangued ay makakaharap ni Vice Mayor Mila Valera sina Anne Bersamin at Ryan Luna, para sa Mayor, samantalang sa pagka-Vice Mayor ay sina Kiko Bernos, Gherald Edaño at Buc Luna.

Ngayon, makikita ang clash of clans sa pagitan ng Bersamins, the Lunas and the Valera-Bernos.

Ngayon pa lamang ay binabati natin sa Congressman JB Bernos na unopposed, na nag-withdraw at tumakbong Mayor ng La Paz at ipinalit si La Paz Mayor Ching Bernos para Congressman.

God Bless Abra, umaasa po tayo na maging peaceful ang labanang ito.

Amianan Balita Ngayon