Kabataan, bumida sa konsyerto kontra droga

May 28, 2017

Patuloy ang pagpapatupad ng pamahalaang lungsod at ng Baguio City Police Office sa kampanyang pinaiiral ni pangulong Rodrigo R. Duterte na “War against Illegal Drugs” sa bansa.

Dahil dito ay isang kampanya ang nilikha ng kapulisan ng Baguio sa pamamagitan ng mga talento ng kabataan na bihasa sa pagkanta at pagtugtog ng mga instrumento ay hinimok nito ang lahat ng barangay na makilahok sa “Musika Kontra Droga” band competition na tagumpay naman naisagawa noong May 20, 2017 sa Malcolm Square.

Labing anim na kalahok ang nagpakita ng kanilang kagalingan na kung saan ay mga sariling likha na angkop sa tema ng adbokasiya na laban sa iligal na droga na nagbigay rin ng inspirasyon sa mga daan daang panauhin.

Sinabi ni Mayor Mauricio G. Domogan sa kanyang mensahe, “isang dahilan sa aking pag-aproba itong aktibidad na musika kontra droga ay para ipadama natin bilang mga magulang ang manguna na magdadala ng kaayusan at pagdisiplina sa ating mga anak. Obligasyon natin ito na turuan at huwag maimpluwensiya sa mga taong nagpapahamak sa kanilang buhay partikular sa pag-gamit ng ipinagbabawal na gamot.

“Masakit tanggapin na galing mismo sa Malakanyang na may ulat tayo sa buong Kordilyera na 79 drug personality at sa listahan ay may apat na taga-Baguio at ang mga ito ay tatlo pa na barangay kagawad na inamin naman dahil sa kanilang pagsuko.”

“Kaya kayo mga kapatid ko this is the serious fight, this is the dangerous war that we need everybody’s participation, we need everybody’s help upang kayo mga anak namin na katutubo wala sana mapahamak dito.”

“Walang druglord dito sa Baguio ngunit maraming local pushers, eto ang mga taong nagtutulak ng droga na kumukuha ng supply sa ibang lugar at dito ibinibenta sa ating lungsod. Sana naman hanggat may panahon pa ng pagbabago ay magbago na tayo, imbes na magbenta ka ng droga ay ituon mo na lang ng pansin sa iyong pamilya, sa iyong marangal na trabaho pagmalasakitan natin ang ating kapwa bakit natin sila bebentahan ng droga na ito ang magpapabagsak sa kanilang buhay.”

“Kaya kaming mga nasa tungkulin sa gobyerno na walang sawang nagpapaalala sa inyo na sana naman ay magising na kayo, hindi namin gusto na mapahamak kayo ng dahil diyan sa ipinaglalaban namin na “war against illegal drugs” ani Domogan. ABN

RELATED POSTS

COURTESY CALL

COURTESY CALL

Hon. Jose Warren P. Villa, Vice Mayor San Juan City, Metro Manila paid a courtesy call to Baguio City acting Mayor Faustino A. Olowan at...

URBAN SKETCHING

URBAN SKETCHING

The two artists in the Session: SketchTour of Baguio on September 30 are Aurelio Castro III, sitting and sketching, in conversation with...

PART AT YOUR OWN RISK

PART AT YOUR OWN RISK

-diggings of sewerage projects along Kisad Road cause traffic problems to motorists due lack of road signs Carlos C. Meneses/ABN

AMIANAN POLICE PATROL

4 police commissioned officers nakakuha ng mataas na posisyon sa PROCOR BAGUIO CITY – Apat na police commissioned assumed key positions at...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest